It's my life
It's now or never
I ain't gonna live forever
I just want to live while I'm alive
(It's my life)
My heart is like an open highway
Like Frankie said
I did it my way
I just want to live while I'm alive
It's my life
Pagdating sa palengke ay agad siyang nagtungo sa suki at namili ng mga gulay na kaniyang gagamitin. May babaeng biglang sumingit sa kaniyang kanan na naging dahilan ng pagbagsak at pag-gulong niyon sa sahig. Inirapan na lamang niya ng palihim ang babae saka tinapos ang kaniyang bilihin. Pagbalik sa bahay ay agad niyang niluto iyon at tinawagan ang ilang kaibigan para sa tanghalian.
'Come on wala manlang party? Celebration? Boooring!' Angal ng kaibigan na si Angel. Inaasahan na kasi nito na magbabar sila at mag paparty gaya ng mga nakaraang taon.
"Sorry, it's my and my man's day today kaya pinagluto ko nalang kayo ng lunch. Come on kain na tayo."
Pagkasabi niyon ay agad na niyang ibinaba ang aparato at iniayos ang lamesa. Nagsalin din siya sa isang plato saka dinala iyon sa kapitbahay.
Nginitian siya nito ng malapad at biglang humalik sa pisngi niya sabay sabing "For your birthday. Thank you." Wika nito bago pumasok sa bahay para ipasok ang pagkain. Taas kilay na bumalik na lamang si Jam sa kaniyang apartment. Ilang saglit pa ay nagdatingan na ang kaniyang mga kaibigan para sa munting salo-salo. May dalang cake at softdrinks ang mga ito. Gustuhin man nila na magdala ng alak ay hindi siya pumayag dahil sa lakad niya sa gabi.
Lumipas lamang ang maghapon na ganoon sila at pagtuntong ng alas sais ay nag-ayos na siya ng sarili. Saktong alas siyete ng gabi dumating si Dandreb upang siya ay sunduin. Hindi na niya hinintay na kumatok ang boyfriend at siya na mismo ang lumabas ng pintuan upang salubungin ito.
"Hi, goodevening. Let's go?" Pagbati niya sa kasintahan. Tumango ito at nauna nang bumalik sa sasakyan. Deretso ito sa driver's seat at bahagya pa siyang nadismaya dahil unang beses siya nitong hindi pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Ganon pa man ay positibo parin ang kaniyang tingin sa lahat at inisip na lamang na parte iyon ng sorpresa nito. Bago pa man maka-alis ang sasakyan ay napansin niya muli sa pintuan ng na nakatayo si Adrian. Nakatingin ito sa kanila at mukhang malalim ang iniisip.
"I don't like that guy." Biglang wika ni Dandreb. Kumibit naman siya ng balikat at inalis na ang tingin sa kapitbahay.
"He's a good neighbor. Lagi talaga yan nakatambay dyan pag-gabi." Sagot naman niya sa sinabi nito.
"He looks useless." Sagot pa nito. Napataas ang kilay niya dahil unang beses niyang madinig na nang-insulto ang kasintaha.
"Nah! Hayaan mo na sya, lagi talaga yan nagpapahangin dyan sa gabi. Sa'n tayo pupunta?" Biglang pag-iiba niya sa usapan.
"The usual." Sagot naman nito. Gustuhin man niyang bumuntong-hininga ay hindi naman niya ginawa. Ayaw niyang mahalata nito na dissapointed siya dahil sawa na siyang lagi sila doon pumupunta. Kakain lamang sila sa restaurant at uuwi na pagkatapos.
Pagdating sa restaurant ay agad na silang naupo sa paborito nilang upuan doon. Sa dulo iyon at pribado kaya doon sila laging pumupwesto. Inorder nito ang lagi nilang inoorder at laging iniinom doon. The usual. Nothing special.
"Well?" Nakangiting senyales niya dito. Pinaparating dito na ilabas na nito kung ano man iyong sorpresa na inihanda nito dahil sigurado naman siyang iyon ang dahilan. Natahimik ito sandali at hindi mapakali. Hindi ito makatingin sa kaniya at bubuntonghininga. Ilang sandali pa ay nagkalakas na ito ng loob na sabihin sa kaniya ang sorpresa nito.
"I wanna break up with you." Deretsahan sa wika nito. Walang ligoy-ligoy. Walang pasintabi at walang paliwanag. Natawa naman siya at nailing dahil sa birong iyon. Ang galing talagang magtago ng surprise ng mahal niya.
"Oh come on, alam ko na yan Dan. Now tell me ano nga?" Natatawa pa na wika niya. Umiling ito at walang ngiti na tumitig sa mga mata niya.
"I want a break up." Sagot nitong muli. Sa pagkakataong ito ay sinigurado nito na maiintindihan niya. Tinitigan niya ito sa mata ng ilang sandali saka kumunot ng noo.
"Jusko seryoso ka nga! But... Why? I mean may nagawa ba ko? No, no I will not accept this." Iiling-iling na sagot niya.
"Weather you like it or not ay wala na kong magagawa. I want a break up dahil may fiance na ko." Sagot naman nito. Wala naman siyang naisagot doon kundi ang pagkuyom ng kamao.
"Why? Why now? Hindi mo manlang pinalampas ang birthday ko?" Mahinahon na tanong niya. Hindi alam kung ang kaharap ang tinatanong o ang sarili o ang lahat ng nasa paligid.
"Because I- Shit, it's you birthday? Look I didn't mean to do this..."
"Oh good! Hindi mo alam na birthday ko. Well, fuck you!" Pagkasabi niyon ay agad na siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng restaurant. Dinig pa niya ang pagtawag at pagpigil nito sa kaniya ngunit di na niya ininda pa.
Namalayan na lamang niya ang humaharurot na sasakyan na patungo sa kaniya, ang malakas na pagtama niyon sa kaniyang katawan at paghagis at pag-gulong niya sa sahig.
"Jam!!!"
Nang magmulat siyang muli ng mga mata ay nasa higaan siya. Tumutunog ang kaniyang cellphone at masakit ang kaniyang katawan. Hindi niya makalimutan ang panaginip.
Habang inaabot ang aparato ay natamaan ng kaniyang kamay ang flowervase at natumba iyon. Natitigan na lamang niya ang tubig na umagos na nagkorteng letrang L sa sahig.
"well... Wtf?"
Dandreb my man calling...
YOU ARE READING
The Break Up Loop
RomanceWhat if you are in a timeloop? What if ang loop na naistuck ka ay ang araw ng break up ninyo ng mahal na mahal na Bf mo? Ang nakakasawang paulit-ulit na pakikipag break sayo ng boyfriend mo. Paano mo puputulin ang heart breaking, gut wrenching bre...
The Break Up
Start from the beginning
