Epilogue

57 2 0
                                    

Rova Flexine's POV

"Ma'am Flex, okay na po ba lahat? Ready ka na for your last performance?" Here I am at the Araneta Coliseum, having my first ever solo concert sa Pilipinas! Sa kabila ng mga pinagdaanan ko sa buhay, eto ako, may maipagmamalaki sa lahat!

"Of course Lydia! Achieve ko 'to!" Konting kembot na lang, matatapos ko na ang concert! Yeeey!

"Glad to hear it Ma'am, punta na raw kayo sa stage." Ngayon, naka-yellow gown ako since that color symbolizes happiness and success! At syempre, paborito ko rin! hehehe

So eto na ako ngayon sa stage. Tanaw ko ang napakaraming taong sumusuporta sa akin, lalo na ang pamilya ko, sina Nicky, Val, Annae and Brian na nasa VIP seats. I see them cheering on me. So motivated naman!

"Aranetaaaaaa!" Hiwayan naman sila. Hys dati napapanaginipan ko lang mga ganito pero ngayon, it really came true!

"So this is my last performance for this night. Enjoy ba kayo sa Flexin' the beat concert?"

"YEEEEES! WHOOOO!" So glad to hear that!

"Alright! For the last performance, I will be dedicating this all of you! I love you all!" Habang hinihintay na tumugtog ang banda, tiningnan ko ulit sila momskie at dadskie. They are so happy na andito ako sa harapan nila. Bilang anak, nakakataba yun ng puso..

Sina Annae at Brian, ayun ang sweet pa rin sa isa't isa. Nako, kahit ang tagal na nila, andun pa rin ang sweetness overload nila. Ningitian nila ako pareho at nag-cheer sa'kin. I smiled at them and make a peace sign. Ehe.

Si Nicky at Val naman, ayun nag finger heart sa'kin and nag-sign na ang galing ko raw kumanta. Nag finger heart back din ako sa kanila at sinabihan kong "sana all!"

Aba teka, mukhang ang tagal na tumugtog ng instrumental?

Tiningnan ko ang technical area. Uh-oh, mukhang may problema na ata. Takte naman oh, kung kailan patapos na concert ko, saka pa nagpapansin 'to? Kahiya sa supporters ko😥

"Hey technical team, anyare ba sa music? May sira ba?" Tumango yung head. Hys naman oh.

"Aww, may mga hindi talaga inaasahang nangyayari. Since na ganito nangyari ngayon, gusto niyo bang mag acapella na lang ako?" Imbes na "Yeeees" ang isagot ng mga tao, nagsigawan sila at pawang may tinuturo sila sa likod?

"Ano yan guys? Don't tell me, may multo sa likod ko? Wag naman ganun.." Actually, kinakabahan talaga ako ngayon kaya kung ano ano sinasabi ko.

Panay pa rin ang sigawan ng mga tao hanggang sa...

"Flex..." Mas naglakas pa ang hiyawan nang marinig nila iyon. Pagkalingon ko sa likod, siya pala ang hinihiyawan ng lahat.

Si Kianne. May dala siyang bouquet of flowers. Myghad cassie, ano 'toooo?😱

Lumapit siya nang dahan-dahan sa akin at nagkaroon ng sweet background music. Hey, akala ko ba may sira sa technical? Pft, nangkuntsaba na naman ang mga 'to eh!

"Kabigla ka naman Mr. Kianne. Nuh ba, para saan 'to?" Pabebe kong sabi🤣 Bigla akong kinabahan nang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. 😱 Mas lalo na namang nagsigawan ang mga tao. Kereleeg to the max! Whoooo!

"Flex, you are the star of this night. You are beautiful and a great singer. I'm really a fan of yours from the beginning of your career. Since the day you joined many contests, I am there to support you all the way. When the times of struggles you have faced, I'm also there to comfort and to feel that you are not alone. But I don't like to be just your fan, and your bestfriend. I want it to be more than that. I think, this is the perfect chance to say that I love you so much.." Talagang napako ako sa kinatatayuan ako sa mga sinabi niyang yun. Unexpected 'to mga bes! Hinawakan niya pa ang kamay kooooo! Waaaaah! What to do, what to do?😱😳

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon