#Chapter49

56 2 0
                                    

Rova Flexine's POV

Matapos ang gabing iyon, akala kong magiging masaya pero napalitan lang iyon ng kalungkutan. Naging kami nga ulit ni Nicky pero nawala na ang connection namin ni Kianne.

Ang bestfriend ko, sinaktan ko nang sobra.

Now, I feel guilty. Yung lalaking sa simula pa lang, andyan na para patawanin ako, tulungan ako sa aking mga problema, asarin ako, sinusuportahan ako kada pagsali ko sa mga singing contests, pahalagahan ako at ang dahilan kung bakit nakilala ko si Nicky,

Iniwan ko sa ere.

Pinaiyak ko.

Pinahiya ko sa lahat.

Pinagmukha kong tanga.

Pinaasa ko.

Yung pag-iyak niya sa harapan ko, sobrang nasaktan ako dun. Parang tinusok ng pako ang puso ko. Never ko pa siyamg nakitang ganun umiyak.

Nung gabi lang.

Sigurado ngang kinakamuhian na niya talaga ako ngayon. Nakayanan niya pang tiisin ang babaeng kagaya kong halos hindi na maintindihan. Masyado ako naging selfish. Sariling kapakanan ko lang iniisip ko.

Totoo ngang kapag nagmamahal ka, maraming nagbabago.

Ngayon, marami nang nagbago. Ang pagsasama namin ni Kianne, naglaho lang na parang bula. Kasalanan ko naman sa simula pa lang eh.

Face the consequence, girl.

Diba ang gulo ko?!

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Ewan ko, ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pa rin ako maka get over sa mga nangyari.

Hays, umiiyak na naman ako. Bakit humantong ang lahat sa ganito? Mali ba yung pagmamahal na pinakita ko? Mali ba naging desisyon ko? Mali ba pinili ko?

PESTE!

Habang nag-e-emote ako, biglang may kumatok ng pinto.

"XINE! BUMABA KA NA! ANO BA NANGYAYARI SA'YO?" Biglaang sigaw ni kuya Mac.

"Opo kuya, bababa na po." Ayokong mag-alala na naman sila sa'kin at malamang si Nicky na naman ang dahilan nito. At mas lalong ayaw ko munang malaman nilang sinaktan ko si Kianne sa harap ng maraming tao. Boto sila dun para sa akin, sa simula pa lang. Tsk.

Pagbaba ko ng kwarto ko, nakita ko sa hapag-kainan sina momskie, sabay-sabay silang kumakain.

"Oh Xine, buti't napag-isipan mo ring bumaba. Magkakasakit ka na naman niyan sa ginagawa mong bata ka." Sermon sa'kin ni momskie.

"Kumain ka na rito. Paborito mo inihanda namin. Siguradong gutom ka na." Tumango na lang ako at umupo na.

Gutom ako pero wala akong ganang kumain. Tsk.

"Xine, balita ko kagabi, sinagot mo raw ulit si Nicky?" Bigla akong nabilaukan. Ay jusmeng ate Les to! Sa'n niya 'yan nalaman?

"Ah-e- saan mo 'yan nalaman ate?" Curious kong tanong sa kaniya

"Sa kapatid ng katrabaho ko, andun siya nung gabing iyon." Paktay, baka nakita niya ring yung ginawa ko kay Kianne. 😱

"Ay nako Xine, sinaktan ka niyan, ba't binalikan mo pa?!" Momskie. Buti, wala si papa ngayon. Magagalit na naman yun sigurado.

Hindi pa pala nila alam na arranged marriage ang dahilan kung bakit nagawa akong saktan ni Nicky. It's time na malaman na nila.

"Ma, ate Les, kuya Mac, nagawa akong saktan ni Nicky dahil sa arrange marriage nila ni Valeria." As usual, nabigla sila dun.

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon