#Chapter 55

48 3 0
                                    

Rova Flexine's POV

Wedding day na ngayon ni Nicky at Valeria. Touch of pastel colors daw ang theme ng kasal nila. Sakto namang marami akong pastel colors na formal attire.

Well, handa naman na ako sa kung ano man mangyari mamaya. Prepared na rin ako sa songs na kakantahin ko sa kanila. Sana maikanta ko ng maayos mamaya kahit alam kong magiging awkward para sa akin.

It's almost 10AM, 2PM ang start wedding ceremony kaya makakapaghanda pa naman ako. Bago ako magpprepare, practice na muna ulit ako.

***

After 30 minutes, natapos na rin pag-practice ko. Buti nga, eh maayos yung voice ko ngayon kahit na sunod sunod guestings ko. Thank you Lord hiheee.

Habang nag-aayos ng mga dadalhin ko, may kumatok sa pintuan ko. Si momskie pala.

"Xine! May kailangan ka pa diyan? Okay na lahat na mga dadalhin mo?" Awww hanggang ngayon talaga, concern pa rin sa'kin si Momskie

"Yes momskie! I'm totally ready! Hihi" Nilapitan niya ako sabay yakap.

Awww, nakaka-touch

"Anak, I know you've struggled a lot sa relationship niyo ni Nicky, sa pagiging bestfriends na rin ninyo nina Kianne. Hangang-hanga ako sa katapangan mo anak saka sa mabuting kalooban mo. Mas pinili mong patawarin sila kaysa kimkimin lahat. Yun naman talaga dapat gawin. I'm so proud of you, Xine." Napaiyak naman ako sa sinabi ni momskie. Yes she's true na struggled ako sobra sa mga nangyari, to the point na susukuan ko na sana ang pagiging singer ko pero na-realize kong mali ang sumuko.

Dapat, laban lang gHorl.

"Thank you sa suporta niyo, Momskie! Hindi ko naman malalagpasan yun kung wala kayo eh"

"Sige na anak, prepare ka na, you should be. Haharapin mo past mo." Natamaan ako sa sinabi ni momskie.

"Kayang-kaya ma! Hehehe" Ningitian niya ako sabay alis ng kwarto ko.

Napabuntong-hininga na lang ako para mahimasmasan naman utak ko.

Phew! Kaya ko 'to!

*Beep*beep* Oh may text message!

From: KFC mah bes

Hoy panget, punta ako diyan sainyo maya-maya. Sabay na tayo pumunta sa church.

Aba't sinabihan pa akong panget ha? Nga pala, unggoy siya HAHAHA

To: KFC mah bes

Sige unggoy, mag-iingat ka. Tukmol!

Nakakatuwang tingnang back to normal na ulit kaming dalawa, yung parang wala lang nangyari sa pagitan namin. Hayss buti na lang at nariyan ang pagpapatawad. 😅

Nilagyan ko na ng kolorete ang sarili ko at nagbihis na. I'm just wearing an pastel cocktail dress and 5-inches heels. Syempre kailangang heels para matangkad tingnan HAHAHAHA

Pagbaba ko, sakto namang papasok ng pintuan namin si KFC.

"Oh Kianne, andito ka na pala!" Masiglang bati ko

"Syempre naman. Tara na, baka magsimula na kasal nila" Excited ka gHorl?

"Excited much ka naman. Eh, 1PM pa lang naman oh"

"Tangek talaga 'to! Kakanta ka diba? So you need to be early, dude!" Ay nga pala. Akala ko, bisita lang ako huwahahaha

"Sorna! Sige na nga, pumunta na tayo dun" Lumapit naman ako kina dadskie and momskie para halikan ang noo nila.

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon