#Chapter31

66 3 0
                                    

Happy 500 reads to this story! Sana mas marami pang babasa. Mas gaganahan pa akong mag-update ng story na 'to.

Thank you so much for all the support!

*********************

Rova Flexine's POV

Nakalabas na ng hospital si Kianne. Okay na rin naman kalagayan niya kaya pinauwi na lang sa kanila.

Hanggang ngayon, di pa rin namin alam kung sino ang may salarin sa pagbaril kay Kianne. Ayon sa mga pulis, naniniwala silang may nag-utos sa gumawa ng pagbabaril. Ayaw kong magbintang ng kung sino kaya ipagkakatiwala ko na lang sa mga pulis ang imbestigasyon.

Sana mahuli na yung may salarin.

Yun nga. Alam na ng family ko ang about sa engagement ni Nicky. Sinabi ko na sa kanila kasi hindi tama ang magtago ng kahit ano sa pamilya ko. Sobrang nagalit si dad dahil ganun ang ginawa sa'kin ni Nicky. Sinasabi niya raw na hindi talaga siya deserving sa'kin. Well it seems, tama si dad. Ayoko nang pahirapan ang sarili ko kaya need ko nang mag-let go for the sake of my heart.

Sina Annae, Brian and Kianne, di pa rin alam hanggang ngayon. Ayoko munang malaman nila lalo na si Kianne kasi baka kung ano ang magawa ng lalaking yun. Iba pa naman yun pag nagalit :3 Parang makakapatay na eh. At least, alam nilang hiwalay na kami. Malalaman rin nila sa tamang panahon.

Tuesday ngayon. So it's Semi-Finals na! Whooo! Lord God, guide me throughout my performance.

"Flexine?" Tawag sakin ni coach Leah. Katatapos ko pa lang ng 2nd rehearsal ko this time. Kahit napakaraming pagsubok ang aking napagdadaanan ko ngayon, ipagpapatuloy ko pa rin 'tong TVOA. Ilang panahon at boses ang nilaan ko rito.

"Yes po coach?" Ano kaya sasabihin niya?

"Ahm I just heard about your break-up with your boyfriend. Sad to hear that. Sana di yan makaapekto sa performance mo ah. Be always yourself and make that pain your strength to go to Grand Finale." Sikat nga talaga ako sa school! haha. Kahit personal ko, alam na ng lahat. Galing! 😒

"Of course I am coach. Dedicated naman talaga sa kaniya yung pinili kong kanta kaya madadama ko talaga ang message ng song. I think, it will give me a splendid performance. I assure you that coach."

"Well, glad to hear that! I'm expecting you to do your 100% best! Kaya mo yan!" Naman coach!

"Thank you so much coach! Hehehe" Alam kong makakayanan ko 'to so gora lang! Ayokong magpaapekto alang-alang sa pangarap ko.

"Okay for the third time, sing the song." Tas ayun, kinanta ko ulit ang kakantahin ko mamaya. Halatang nagagandahan talaga si coach sa boses ko yeyyyy.

"Naks, hindi talaga ako nahihirapan kapag ikaw ang kino-coach ko." Nakaka-flattered! hihi

Nang matapos ko na ang kanta,

"Alright Flexine. Okay na so pwede ka nang mag-prepare para mamaya. Good luck!"

"Okay coach, thank you po." Lumabas na ako ng music room. Yey! Makakakain na rin sa wakas! hahaha

Habang naglalakad, may tumatawag sa phone ko

"Oh ano kailangan mo?" Si Kianne pala tumawag. Ang sungit ko noh? lol

"Ay wow ang sungit ni ate! Dito ka na mag-lunch sa bahay." 'Di pa pumapasok si Kianne kasi di pa masyadong nahihilom ang sugat niya. Gusto niya na raw pumasok kaso pinipigilan siya ng mama niya. So no choice.

"Pa'no kung ayaw ko?" Kunwaring pagtataray kong sabi

"Strong! Edi wag! Bahala ka." *toot* Ay binabaan ako? Di lang mabiro hahaha

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon