Chapter 3-Dog Mating

1K 36 1
                                    

Lunch break namin. Kasama ko sa canteen ng base namin si Sky,Thor at Liam na busy naman sa laptop niya. May pinapa-hack kasi si Commander Xen sa kanya.

"Hi Thunder honey!"

Nag-hang iyong kutsara ko sa ere na gayak ay isusubo ko na noong madinig ko ang pinaka-nakakairitang boses para sa akin.

Pinaningkitan ko ng mata si Erica na matamis pang ngumiti sa akin. Kasama niya si Janine.

"Guys pwede ba kaming maki-share sa table nyo?"Erica gave my comrades her pa-cute smile.

Nakakalokong tumingin sa akin si Thor habang si Sky ay nakangisi. Si Liam naman ay saglit lang tumingin at ibinalik din sa laptop niya ang atensyon niya. I looked at Thor with my dagger eyes. Nak ng Thor,wag na wag mong ibubuka ang bibig mo!

Ibinagsak ko ang kutsara ko para naman makahalata si Erica na naiinis ako sa kanya.

Wag niyang sabihin na may Siberian siya! She calling me honey,baby or whatsoever in public annoyed the hell out of me!

"Icay,wala ng space? Hanap na lang tayo ng ibang table."Icay,that's Erica's nickname.

Nakahinga naman ako ng maluwag noong hilahin ni Janine si Erica palayo.

"He is so handsome. Look at his hair,ang hot niya din tingnan kapag nakalugay.."naulinigan ko pang wika ni Erica.

Nakalugay ngayon ang hanggang balikat kong buhok.

"Hot? Ang sabihin mo mukhang pansit canton."

Thor and Sky chuckled. Pati si Liam na busy sa pagla-laptop ay napatawa din.

"Bud,mukhang pansit canton pala iyang buhok mo."natatawa pa ding wika ni Thor.

"Luh,gago ka Thor. Buhok ko pa lang chick-magnet na."binato ko siya ng tissue sa mukha. Sapul kaya natawa si Sky. Binato niya din ako pero nakailag ako.

"Hi Erica,dito ka na lang sa puso ko--este sa tabi ko.."naulinigan kong wika ng isang boses lalaki.

Marahas akong napabaling ng tingin sa pinanggalingan noong boses. Iyong maangas na trainee ang tumawag sa kanya. Kaedadan niya lang iyong lalaki. May kasama iyon na dalawang lalaki. Wala na kasi masyadong space.

"Oo nga Icay,fifteen minutes lang naman ang mga trainee dito."Janine.

"Oo nga crush dito ka na aalis na din naman kami mamaya."

Napasimangot si Erica pero naupo din naman. Hindi kalayuan sa amin ang pwesto nila kaya dinig ko ang sinasabi nila.

Crush? Wala namang nakakahanga kay Erica.

Nang biglang tumingin sa direksyon ko si Erica. She waved and smiled at me. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha ko na nakatingin sa kanila.

"Someone wanted to kill.."Thor said in a singsong tone.

"Wag muna dude..hindi pa nakaka-graduate."nakangising gatong ni Liam na sinarhan na ang laptop niya.

"What the hell are you talking about?!"

"Buddy,iyong mata mo walang emosyon katulad kapag papatay ka ng kalaban."paliwanag ni Sky na para bang bata ako na hindi nakakaintindi.

"Why would I?! I don't care about that woman! She annoyed me!"I hissed at them.

Anong bang nangyayari at tampulan ako ngayon ng asaran?! Ako itong mapang-asar pero pagdating sa Erica na 'yan ako ang asar talo!

Sky and Liam shrugged. Thor smirked.

--------

Pagdating ko ng bahay ay excited ako. Its already five thirty in the afternoon. Pupunta kasi ako sa bahay ni Thunder.

Marine Men: Manwhore's Downfall(Complete)Where stories live. Discover now