Chapter 5

3.3K 73 8
                                    

Chapter 5


Ilan araw din ang itinagal ng sakit ni Grey. Kaya kinailangan ko din mag-leave sa trabaho. Pero kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin makalimutan yun sinabi niya nung gabi na 'yun.


Noong mga nakaraan na nasa bahay lang ako ay panay ay DM sakin ni Carlos sa instagram. Kinakamusta niya si Grey at kung kaya ko ba daw alagaan para tutulungan niya ako. Sumabay din si Rendrick. I received a message from him asking kung bakit hindi daw ako pumapasok, pwede daw niya ako puntahan kung may problema ba daw ako.


Masyado siya makulit. Pero sinasagot ko nalang para di paulit-ulit. Ngayon nakapasok na ako, he keep on asking kung ano daw nangyari sakin these past few days. Pero sa bawat sagot ko na may ginawa lang na importante, he still keeps asking me kung ano yun importante na 'yun.


"May sakit yun asawa ko," sabi ko na lamang nang manahimik siya. Kahit oras ng trabaho ay ginugulo niya ako. Ang iba nga namin na kasamahan ay nagtataka na sa inaakto namin.


Dahil sa narinig na sagot ko ay agad napataas ang kilay niya. "I don't see any ring."


Doon ko napagtanto ang sinabi sa kanya. "Boyfriend, rather."


"New or your daughter's father?" kalalakeng-tao napaka chismoso. Napairap ako sa sarili.


"Kaylee's father," pagkatapos nun ay iniwan ko na siya sa kitchen. Sa susunod talaga magsasabi na ako sa mommy niya na dapat may social distancing ang mag-ex.


Pumunta ako sa banyo at naghilamos doon. Ramdam ko ang pagod sa maghapon. Ala-sais na ng gabi, out ko na sa trabaho. May lumabas sa cubicle at nakitang si Marian ito, ang kapalitan ko sa shift. Ngumiti lang siya sa akin at lumabas na.


"Nasa loob pa siya, Rendrick." Narinig ko pa na sabi niya sa may exit ng banyo.


Mababaliw ako sa lalake na 'to. 'Di ko alam kung ano ba ang kailangan eh. Hindi rin maintindihan ang sinasabi ko minsan. Nagbihis na ako ng pang-uwi. Bago pa ako lumabas ay tumunog ang telepono ko kaya agad ko itong sinagot.


"Hello,Grey?"


"Khloe, nasundo ko na si Kaylee kila mama. Sunduin ka namin diyan?" he asked. Nagustuhan ko ang ideya na 'yun kaya agad ako sumang-ayon. "Okay, we'll be there in 5 minutes."


Nang matapos ang usapan namin ay agad ako lumabas at naabutan si Rendrick na nag-hihintay na naman sakin. "Tara, hatid na kita," he keep insisting that thing. Kanina palang ay kinokontrata na niya ako agad sa paghatid niya sa akin.


He keeps bothering me. Kahit oras ng trabaho ay sige pakikipag-usap niya sakin. Talagang kaunti nalang magsusumbong na ako sa mommy niya. Kung tutuusin para na niya akong hinaharass.


"Hindi na, may sundo ako." Pero habang palabas ako ay nakasunod pa rin siya sa akin at sige pilit ng gusto. Nang makalabas na kami sa resto ay hindi na niya napigilan at hinatak na niya ako sa braso. "Ano ba Rick!"


Pero agad siya natauhan sa ginawa niya kaya binitawan rin naman niya ako.
"I'm sorry, g-gusto ko lang naman bumawi," pero agad akong tumawa sa sinabi niya. Pero kasabay ng tawa na 'yun ay ang pagpatak ng luha ko.


"Bawi? Para saan? Sa kagaguhan mo sa akin dati? Hindi na kailangan, Rick. Matagal na rin naman tayong tapos."


Magsasalita pa sana siya pero may tumigil na sasakyan sa harap namin, nang makita na si Grey ito hindi ko na hinayaan magsalita si Rick at iniwan na lamang siya doon.


Halatang nagulat naman si Grey pagpasok ko, nasa likuran din ng sasakyan si Kaylee. Agad ako ngumiti pero hindi napigil ang luha ko kaya agad kong iniwas ang mukha ko. Sumandal na lamang ako at ipinikit ang mata.


"Uh, saan mo gusto kumain? Or sa—"


"Magluluto nalang ako pag-uwi," pagkatapos nun ay humarap ako sa bintana at tinanaw nalang ang labas. Traffic pa,tsk. Pinilit kong matulog para hindi na maalala ang bagay na 'yun pero wala, naiyak lang ako lalo sa naalala.


"Dito, dito tayo magtatayo ng bahay natin. I will work hard para mabili ko itong lugar na 'to. Tapos ako yun magluluto para sayo palagi, gusto ko bawat uwi mo galing ospital, kapag mag asawa na tayo, gusto ko mawala man lang 'yun pagod mo kapag natikman mo 'yun mga lulutiin ko."


"Gusto ko rin na mag-travel muna tayo aroun the world, two to three years after natin makasal tsaka tayo mag-aanak. Gusto ko basketball team"


Agad ko siyang nahampas dahil sa sinabi. "Grabe naman yun, Hon. Baka 'di ko kayanin."


He caressed my face. "I'm just kidding. Kahit ilan pa 'yan, basta kaya mo at ikaw ang magiging nanay nila, I don't have a problem with that."


Napapitlag ako nang may humawak sa braso ko. Nakadungaw pala sa akin si Kaylee. "M-mommy, are you okay?"


Agad ko siyang nginitian at pinisil pa ang pisngi niya. "I'm okay,baby. Pagod lang si mommy."


After that ay pumikit nalang uli ako. Ba't ba ngayon pa traffic? Para akong naso-suffocate dahil sa mga naaalala ko.


"...t-tangina,Rick! Kaibigan ko 'yun! Kaibigan! B-ba't mo sa'kin 'to nagawa?"


"B-binigay ko naman na sa'yo lahat, pati sarili ko, pero bakit ganto?" iyak ko. Wala na akong maintindihan sa lahat. Hindi ba talaga naging enough? Masyado ba ako naging busy talaga? Nawala ako ng oras sa kanya, pero sinusubukan ko naman, ah


"I... i-i'm sorry. Pero ayoko na. Tapusin nalang natin 'to." and just like that, he chose that girl, my bestfriend, over our three-year relationship.


Agad ako bumaba ng sasakyan, inalalayan ko si Kaylee papasok ng unit namin. Hinayaan ko na silang dalawa doon sa sala at nagsimula magluto. Isinabay ko na rin ang pag-aayos ng lamesa. Nang matapos ay agad ko tinawag ang mag-ama. Inayos ko muna ang pagkain ni Kaylee bago ako nag-paalam sa kanila.


Agad kong binagsak ang sarili sa kama. Iba ang bigat ng katawan ko ngayon. Parang bumalik bigla lahat ng dala-dala ko dati.


"You're the disgrace of this family! Wala ka na nagawang matino sa buhay mo at para sa pamilya natin. Ta's ngayon sasabihin mong buntis ka?!"


"Lumayas ka, I don't need a useless daughter here in my house!"


"Puntahan mo ang tatay niyan at doon ka mag-pabuhay!"


"Wala kang kwenta!"

With you by MistakeWhere stories live. Discover now