Chapter 3: My Tutor Nerd

12 0 0
                                        

Mio P.O.V

"Mio!!! Gising na!!" Sigaw ni Ate Miya at kumatok ito saakin.

"Oo ate! Salamat sa pagising!" Sigaw ko siya pabalik. Sa totoo nga siya Yung taga gising saamin magkapatid eh. Pero minsan nauuna din nagigising ang bunso naming kapatid.

Napaupo ako saglit bago nag-unat Ng katawan at naglabas na ako Ng damit na isusuot ko bago ko maligo. Dala-dala ko na Ang towel at bumaba na ako sa hagdan.

"Oh ate? Anong ulam?" Tanong ko sa kanya. Habang nagsuklay muna ako saglit at tumingin ako sa side mirror. Nagluluto si ate Miya.

"Ah.. Paborito nating Adobo." Saad nito habang nag e-enjoy siya na magluto.

"Sige ate ligo muna ako saglit." Banggit ko sa kanya bago ako pumasok sa banyo.

"Sige... Mayo!!! Kain na!" Rinig ko sigaw ni ate sa itaas.

Mga ilang minuto natapos narin ako maligo at dito na Rin ako nag bihis Ng damit. Paglabas ko sa banyo at pumunta ako kila Mayo.

"Oh.. Ito Kain na pero nagsuklay ka muna Ng buhok." Banggit ni ate. Kaya napatango ako at hinanap ko agad Ang suklay at inayos ko rin Ang buhok ko.

Nagtaka kayo kung Wala Yung parents namin? Nasa ibang bansa si Papa, si mama Naman ay nagwo-work siya pang business habang kaming magkakapatid ay nerenta Lang itong bahay at dito na kami tumira.

"Salamat sa pagkain." Sabay naming Sabi at kumain na kami.

"Oo nga pala Mio. Mamaya dadaan kaagad sa principal office." Bungad ni ate Miya. Napataas ako Ng kilay.

"Para saan ba? May ginawa ba ako?" Tanong ko sa kanya at uminom ako Ng tubig.

"Alam ko nag cutting ka Kaya pinatawag ka nila." Sabi niya.

Muntik pa akong maibuga Yung tubig dahil deritsahan na sinabi nito. Kahit kailan talaga, walang tigil itong magsalita si Ate Miya.

"Oo na... sige na pupunta ako." Saad ko Kay ate Miya. Habang napa-tingin ako Kay bunso.

"Ikaw bunso? Kamusta Naman sa school?" Tanong namin sa kanya.

Kumakain muna Ito bago nagsalita siya. "Okay lang it just normal day." Saad niya.

"Talaga? Ang Alam ko nakipagaway ka sa mga lalaki kahapon dahil may niligtas ka ng isang babae dahil pauwi siya kaso may humarang sa kanya." Saad ni Miya habang naka-ngiti Ito. Ngiting ibang pinapahiwatig saaming dalawa.

Nabilaukan din siya kagaya ko. It means totoo sinabi ni ate Miya. Paano niya ba malalaman tungkol lihim namin kahit maliit na bagay, Alam niya na agad?

"I have ears, and eyes everywhere." She said then she giggled.

Napatunganga Lang kami ni Mayo at Parang busog na kami ngayon. Hindi na namin kaya ang presensya ni ate Kasi.

"Basta.. magiingat kayo. Alam niyo Naman na maalalahanin din akong ate. Ako Ang panganay dito Kaya.. Sana maintindihan nyo din ako Kung bakit." Saad nito at ngumiti muli pero mga mata nito parang pagod na.

"Sorry ate." Pag-umahin naming dalawa ni Mayo.

"Sige.. Mauna na kayo baka malate pa." Saad ni ate Miya.

"Hindi sabay na tayo ate. Sabagay iisang paaralan naman pinapasukan natin eh." Tugon ni Mayo. Nagulat ako sa suggest niya. Napatango na Lang ako bilang pagsangayon ko sa kanya.

'Sabagay. May punto naman si Mayo, kahit ngayon Lang kami sabay na pumasok eh.' I thought.

"Sige ba.. wait Lang ha nagbihis Lang ako." Tugon Niya pumunta sa taas.

"Hintayin na Lang siya saglit." Sabi ko kay Mayo habang siya Naman tumango lang ito saakin.

Mga ilang minuto lumabas si ate at bumaba na Ito. "Tayo na?" Tanong nito saamin.

Napangiti kaming dalawa ni Mayo at sinabi naming "Tayo na"

---

"Mauuna na ako ah.." paalam saamin ni Ate Miya at nauna na siyang naglakad saamin at pumunta sa ibang direksyon.

"Punta na din ako ate Mio." Paalam saakin ni Mayo. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Ge ..ingat." tugon ko sa kanya at nauna na rin siya naglakad pero ibang direksyon din pinuntahan niya.

Nong pupunta na ako sa office nakita ko si Mika papunta ito sa direksiyon ko ngayon at mukhang may sasabihin Ito saakin.

"Punta ka raw sa principal offic--" inunahan ko na agad siyang magsalita.

"Alam ko" Saad ko

"Sino nagsabi sa iyo?" Tanong nito saakin habang napataas Ng kilay.

"Si ate Miya. Kakasabi niya Lang saakin kanina" Saad ko

"Wew. Paano niya nalaman?" Tanong niya saakin.

"Hindi ko din alam eh." Saad ko sa kanya habang napabuntong hininga na Lang ako.

"Sige pasok na ako Mio!" Sabi nito saakin bago umalis. Pagkatapos non, binuksan ko ang pintuan at pumasok na ako sa loob.

"Oh morning Miss Zamora. Buti pumunta ka rito bago sa klasse." Bungad niya saakin. Umupo na Lang ako bago ako nagsalita.

"Para saan po ba Ito?" Tanong ko sa kanya habang napa-cross arms ako.

"Na-contact ko rin mga magulang at nag-agree sila. Dahil palagi kang hindi ka gumagawa ng activities o di kaya'y nag cutting-classes. Kaya no choice kana ngayon dahil magkakaruon ka ng Tutor." Paliwanag niya saakin.

Napanganga ako saglit habang promoproseso yung utak ko dahil sinabi no ma'am principal.

'Tutor?!!' I thought

"Ma'am!! Di ko na kailangan, gagawin ko na Lang activities basta ayaw ko mag karuon Ng tutor!" Sabi ko.

"No choice Miss Zamora. Darating na dito pinapatawag ko na magtuturo sa iyo." Saad niya.

'Nakakainis!! Sino ba siya?' I thought

Narinig kong pagkataok bago binuksan ang pinto, Hindi parin ako humarap dahil sa inis.

"Tuloy ka rito Miss Miyuki" Sabi ni Principal.

'Miyuki? Parang narinig ko na itong pangalan ah? Saan ba....' I thought

"Andito na siya." Saad ni maam. Kaya napa-lingon ako sa likod dahil interesado Kung Sino tinutuko'y ni ma'am na Miyuki.

"Rhea, siya Yung tu-Tutoran mo hanggang magtapos ng kayo Ng high school." Saad ni ma'am habang naka ngiti Ito saamin.

Pero kaming dalawa, gulat na gulat, ang bilis ngayon ng pangyayari tinulungan ko lang siya, ngayon tutulungan niya ako? No!! Baka madamay siya sa kalukuhan ko!

'Dapat gumawa ako Ng paraan para mainis siya saakin at di niya ako tu-Tutoran ako.' I thought

"Sige ma'am. Ako Ang bahala sa kanya." Pagpapayag niya Kay ma'am.

'Hindi ka na Sana pumayag.' I thought

Hindi magtatagal baka magiging meserable Ang buhay mo Rhea.

My Tutor Nerd (GxG)Where stories live. Discover now