Chapter 4

3 0 0
                                    

Chapter 4:

Maaga kaming nagsara ng shop ngayon sa kadahilanang may lakad daw si Madam Orange.

"Enebeee! Oo nemen no! Don't worry babe, I'll be there."

Boses iyon ni madam habang may kausap ito sa telepono, mukhang alam ko na ata kung saan ang lakad niya.

Nakatayo lang kami ni Lineth sa tapat ng counter habang hinihintay siyang matapos sa kaniyang kausap.

"Pvtek na boses 'yan, sarap sapakin," narinig kong bulong ni Lineth.

Bigla akong natawa kaya nakuha namin ang atensyon ni madam orange.

"Anong nakakatawa?" taas kilay na tanong niya sa akin.

Mabilis naman akong umiling-iling, "W-wala ho, take care your time po madam," nakangiting sagot ko.

Inirapan niya lang ako at ibinalik ang cellphone nito sa kaniyang bag.

"Heto oh, sahod ninyo, pasalamat kayo at may date ako ngayon kaya maganda mood ko."

"Salamat madam," saad ni Lineth nang matanggap ang sobre.

"Salamat po, madam orange."

"Ossya! Mauna na ako sa inyo, ayokong malate sa date ko tonight. Hoy! Mona? Huwag kang malalate bukas!"

"Okay po madam! enjoy po kayo sa date ninyo," nakangiting saad ko.

"Ingat, madam," paalam ni Lineth.

"Ossya! bye!"

Lumabas na si Madam ng Shop habang bit-bit ang kulay pulang hand bag nito. Lumabas na rin kami ni Lineth at nilock ang shop.

"Mona? Mauna na ako, ingat ka ha?"

"Sige! Ingat din neth," sagot ko habang kumakaway sa kaniya.

Naglakad na rin ako papuntang sakayan ng trycicle. Mga ilang minuto pa ay huminto kami sa tapat ng apartment. Nagbayad ako kay manong at pumasok na sa loob ngunit bigla akong napahinto ng umihip ang hangin.

"Weird..."

Napayakap na lang ako sa aking sarili at isinantabi ang mga pumapasok sa isipan ko. Dumiretso ako sa bahay nila Aling Susan at kumatok ng ilang beses.

"Oh! Mona? Ikaw pala hija," abot tenga ang ngiti ni aling susan nang pagbuksan ako ng pinto.

"Ako nga ho, eto po pala iyong bayad sa renta at iyong pangakong advance payment-

Halos mahulog pati ang wallet ko nang hablutin bigla ni aling susan ang tatlong libong inaabot ko sa kaniya.

"Salamat hija! Napaka bait mo talagang bata! Sandali? Kumain ka na ba? Nagluto ako ng adobo, sandali ha? pambabalot lang kita."

"S-sige ho, s-salamat po-

Bigla akong napapikit ng isara muli ni aling susan ang pinto nila at pumasok sa loob.

Napakamot na lang ako ng ulo, "Bakit sobrang saya naman ata ni aling susan?"

Wala pang limang minuto ng bumukas ulit ang pinto at bumungad ulit si Aling Susan habang may dalang plastic bag.

"Hija! Heto oh! Masarap 'yan! luto ko 'yan, kumain ka ng mabuti, okay?" masayang saad niya.

Napangiti naman ako at kinuha ang plastic bag mula sa kaniya, "Maraming salamat po, aling susan."

"Wala 'yun, ano ka ba!"

"Mauna na po ako, salamat po ulit," paalam ko.

"Sige, hija!" masayang sagot niya.

Naglakad na ako papunta sa apartment ko at pumasok sa loob.

"Ang saya niya talaga..."

Naipilig ko na lang ang ulo ko sa sobrang pagtataka.

Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay napag desisyunan kong magshower na lang muna bago mag-review para sa exam ko bukas.

Nakasuot na ako ng panjama at over size na t-shirt at handang-handa na para mag sunog ng kilay ngayong gabi ngunit pagbukas ko ng notebook ay parang hinehele ako ng mga letra at numero.

I slap my face to wake up myself.

"Gising...gising... kailangan mong mag-aral-

Sadyang malakas ang hatak ng pagod at puyat kaya hindi ko napigilan ang antok at kusang sumubsob ang mukha ko sa mesa at tuluyan na akong nakatulog.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang naitulog ko ngunit nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang lamig ng hangin sa aking balat.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at tumingin-tingin sa paligid. Napansin kong nakabukas ang bintana sa aking kwarto. Tumayo ako at lumapit doon para isara.

"Ang alam ko ay nakasara ito kanina..." bulong ko sa aking sarili na parang sinasabi ko ito sa hangin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at bumalik sa dating kong pwesto. Ipagpapatuloy ko na lang sana ang pag-rereview ng bigla kong maramdaman na parang may nakatingin sa akin.

Ibinaba ko ulit ang notebook at dahan-dahang tumungin sa may sofa. Naestatwa ako sa aking kinauupuan nang makita ang isang lalaki na prenteng naka-upo doon.

Bagot na bagot siyang nakatingin sa akin ngunit biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya ng mapansin nitong nakatingin din ako sa kaniya.

"S-sino ka?!"

"You can see...me..."

End of Chapter 4

Vessel of Memories (Guardian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon