Chapter 12

6 0 0
                                    

Chapter 12:

Gabi na iyon nang makauwi ako ng apartment galing sa Shop. Marami kasi ang naging costumers namin kanina kaya naging abala kami sa pag-aasikaso sa kanila at hindi namalayan ang oras.

Unang pumasok sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Madam Orange dahil malaki ang kita niya ngayon.

"Hayy."

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama dahil sa tindi ng pagod na nararamdaman ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng bigla akong may naalala.

Tumingin naman ako sa orasan at nakita kong alas siyete na pala ng gabi. Nasaan na kaya siya?

Mga ganitong oras ay nagpapakita na siya pero bakit ngayon ay wala pa siya? Nakakabahala rin ang pagiging tahimik niya dahil buong araw siyang hindi kumikibo.

"Guardian?" tawag ko at umupo sa kama.

"What?" sagot niya.

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses at nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nakapikit.

"Inaantok ka ba?" tanong ko.

"Hindi ako nakakaramdam ng antok."

"Pagod?"

"Hindi rin ako nakakaramdam ng pagod."

"Gutom?"

"Hindi rin."

"Natatae?"

Bigla niyang iminulat ang mga mata niya at tumingin sa akin. Nasalubong ko tuloy ang asul niyang mga mata at ang seryoso niyang mukha.

"Bakit ang serious mo naman, sir?"

"Teacher mo ba ako?" masungit na sagot niya.

"Hindi...pero ako po ang pinaka-cute na bride mo," sagot ko at nag pacute pa sa kaniya with matching peace sign.

Hindi siya nakasagot at napa iwas na lang ng tingin.

"She's...cute," bulong niya pero dinig ko naman.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi nito.

"You should sleep by now," sabi niya.

"Ops! Ayoko muna kaya huwag mo muna akong gagamitan ng Sleep and Dream mo," babala ko sa kaniya.

Itinaas nito ang dalawa niyang kamay.

"Okay, I will not do it."

"Gusto ko pa kasing maka-kwentuhan ka tsaka marami pa sana akong gustong itanong," sabi ko.

"Like what?"

"Katulad ng...nabanggit mo kagabi, na kailangan kitang tulugan para maging tao ka ulit?"

"Malalaman natin kung tagumpay ang misyon na ito kung magiging tao ulit ako," sagot niya at tumingin sa akin.

"At kung hindi?..."

"Sad to say but I need to wait for 100 years again," sagot niya.

Tumingin ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin iyon dahil mas mahalaga itong sasabihin ko sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala! Gagawin ko ang lahat para matulungan ka, para manumbalik ka ulit sa pagiging tao. Pangako 'yan!" determinadong saad ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Dahan-dahan siyang tumango at tumingin sa kamay kong nakahawak din sa kaniya. Doon ko lang napagtanto na sobrang higpit pala ng hawak ko sa kaniya kaya mabilis ko iyong binitawan.

"Ay! Sorry! Sorry...uhm...medyo nadala lang, sorry ulit," sagot ko habang inaayos ko ang pagkakaupo.

"I-it's alright..."

Tumawa na lang ako para maalis ang pagka-awkwardness sa paligid pero nagmukha lang akong may sayad sa utak. Tumingin ako sa kaniya para sana kausapin ulit siya pero nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. Nagkunwari na lang akong hindi iyon nakita at chineck na lang ang phone ko.

Doon ay nakita ko ang text message sa akin ni Gilbert.

Gilbert
Sorry for what happened kanina.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya dahil wala naman siyang ginawang mali. Ako itong may nagawa.

"Mas mabuti ang masaktan dahil sa katotohanan kaysa umasa sa puro kasinungalingan," makabuluhang komento ni Guardian.

"Tama ka, pero nakoko-konsensya pa rin ako," sagot ko.

"Do you like him?" diretsahang tanong niya.

"H-hindi ah! I-ibig kong sabihin...hindi dahil kaibigan lang ang turing ko sa kaniya," sagot ko.

"How 'bout adrian?" nagulat ako sa tanong niya.

"L-lalo naman siya, p-parang kapatid na ang turing ko sa kaniya," kinakabahan na sagot ko dahil parang alam ko na kung saan ang patutunguhan nito.

"Pero hindi ganiyan ang nararamdam niya sa iyo," sagot nito.

Napatingin ako sa kaniya, "A-anong ibig mong sabihin?"

"You know what I mean...adrian likes you," sagot niya.

Bigla akong natahimik hindi dahil may gusto rin ako kay adrian kundi dahil nalulungkot ako. Kung magkataon man na umamin siya sa tunay nitong nararamdaman sa akin kailangan ko siyang ireject dahil kapatid lang talaga ang turing ko sa kaniya.

Isa pa, may gusto si Divone sa kaniya.

"Iyon ba ang pumipigil sa iyo?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Umiling ako, "Sina Divone at Adrian, ngayon na lang ako nagkaroon ng mga kaibigan na katulad nila. Para sa akin, sila ang pamilya ko at ayokong mawala sila sa akin," nakangiting sagot ko.

"You're so pure."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napayuko na lamang ako dahil sa hiya.

"And you're blushing...again."

"H-hindi ah!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya mas lalo akong napayuko.

"Don't be shy," pang-asar pa niya.

"Ewan ko sa iyo!"

Nagulat ako ng bigla niyang ipinatong ang kamay niya sa taas ng ulo ko.

"Thank you."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya.

"Para saan?"

Inalis nito ang kamay niya at tinignan ako sa mga mata.

"Sa pagpayag na maging bride ko...and until now I'm still confuse why did you accept my offer? kahit wala kang ideya kung saan hahantong ito."

"Pasasalamat ko na rin ito para sa pagtulong mo sa akin," nakangiting tugon ko.

"It's my responsibility to make you safe."

"Tama ka pero hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon para makapag pasalamat sa mga taong tumulong sa kanila kaya kukunin ko na ang pagkakataong ito para matulungan ka rin. Gusto ko talagang makatulong sa iyo...kaya...gusto kong itanong kung ano nga ba ang pwede kong gawin para maging matagumpay itong gagawin natin?"

Ilang segundo siyang nakatitig sa akin na parang hirap na hirap siyang sagutin ang tanong ko.

"Just...just stay with me...and everything will be fine," nakangiting sagot niya.

Tumango ako, "Mananatili ako sa tabi mo kung iyon ang tamang paraan para manumbalik kang muli sa pagiging tao."

Ipinatong niyang muli ang kaniyang kamay sa taas ng ulo ko.

"Salamat...Malalim na ang gabi, magpahinga ka na."

Tumango ako, "I want to hear it again."

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko, "Sleep and Dream."

End of Chapter 12

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vessel of Memories (Guardian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon