Chapter 10

0 0 0
                                    

Chapter 10:

"G-gilbert?"

"Ako nga, mona. How are you?" nakangiting tanong pa rin niya.

Bigla akong nahimasmasan kaya medyo lumayo ako mula sa kaniya ng bahagya.

"A-ayos lang naman, g-gilbert. Ikaw? kamusta na?"

"As usual, busy pa rin sa school at sa pagtulong kay dad, ikaw? wala na akong naging balita sa iyo since we gratuated from highschool," sagot niya.

"Uhm...Oo nga eh, medyo naging busy lang sa trabaho."

"I see...but honestly, I'm so happy that I met you today," saad niya.

"A-ako rin-

Natigilan kami ng biglang tumunog ang cellphone niya.

"I'm sorry, tumatawag kasi si Dad."

"Ayos lang, sagutin mo muna baka importante," sabi ko.

Tumango lang siya at mabilis na sinagot ang tawag. Saglit lang silang nag-usap ng kaniyang ama at ibinalik na muli ang atensyon sa akin.

"Sorry talaga, ang kulit kasi ni Dad," nahihiyang sagot niya.

"Wala 'yun, uhm...sorry gilbert, mauna na ako, may trabaho pa kasi ako eh."

Biglang naglaho ang ngiti sa mukha niya pero bumalik din ito agad tsaka tumango na lang sa sinabi ko.

"I understand...uhm...can i just have your number, mona?" tanong niya na siyang ikinagulat ko.

"H-ha?-

"Shvt! I-i mean! if you want to? you know? kamustahan lang naman k-kasi ilang taon din naman tayong hindi nagkita...diba? uhm...don't worry, k-kung gusto mo lang naman, I'm not f-forcing you, " mahabang paliwanag niya.

Hindi ako nakasagot agad at napakurap-kurap na lang ng mga mata habang nakatingin sa kaniya.

'Are you just going to stand there? reject him, mona.'

"Sige!"

Patay! bakit 'yun ang naisagot ko? hayst! kasalanan ng guardian na 'to eh!

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Gilbert at agad na kinuha ang number ko.

Nagpaalam na lang ako sa kaniya at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Kainis! Pwede ko bang bawiin ang sinabi ko kanina?

'Tss. Thank you for listening to me.'

'Ikaw kasi! bakit ka ba nanggugulat diyan ha? Iyan tuloy! naibigay ko sa kaniya ang number ko.'

'Hindi ako nangugulat, nakakalimutan mo lang na kasama mo ako.'

'Hayst! ewan ko sa iyo!'

Hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso na lang sa lugar na sadya ko.

Nang makita ang lugawan nila manang rosie ay pumasok na agad ako sa loob at dumiretso sa counter.

"Ikaw ba 'yung bagong waitress?" tanong ng babaeng nasa kahera.

"Ako nga po," nakangiting sagot ko.

"Halika, pasok ka rito sa loob."

Nang pumasok ako sa loob ng kitchen ay nadatnan ko si manang rosie na may nilulutong putahe.

"Magandang umaga po, manang," pagbati ko.

Natigilan siya sa pagluluto at lumingon sa akin.

"Pasesnya ka na, hindi kita napansin, hija. Magandang umaga rin sa iyo, halika dito," niyaya niya akong maupo sa silya.

Vessel of Memories (Guardian Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя