Epilogue

1.3K 49 21
                                    

Epilogue

"Bakit mo ako niyaya rito? May shooting star ba ulit?"

"Wala. Gusto ko lang panoorin yung mga bituin ng kasama ka."

"Malamig na dito, Leo." nangangatog na ang boses ko dahil naiiyak na ako sa kalagayan ni Leo. "Baka kung mapaano ka." habang hawak ko ang kanyang mukha ay napansin kong namumutla na ang labi ni Leo. Kung mapupula naman ang balat niya kanina, mas mapula ngayon.

"Alam mo, isang bagay lang ang hiniling ko nung dumaan ang shooting star noong gabing 'yon." hinawakan ni Leo ang kamay ko at mas idinikit pa iyon sa kanyang pisngi. "Iyon ay sana hindi ka mahirapang tanggapin kapag wala na ako." unti-unting bumuhos ang luha ko nang sabihin 'yun ni Leo. Inakbayan niya ako at dinantay ko naman ang ulo ko dibdib niya. "Mahal na mahal kita, Calixta." dagdag niya at sobrang sarap nun sa aking tainga. "Sa halip na magalit ako sa itaas. Ibinuhos ko nalang yung atensyon ko sa'yo habang nandito pa ako. Para maging mabuting kaibigan sa'yo-"

"Talaga ba, Leo?" pang aasar ko.

"Sige na nga. Oo, minsan, pumapalya bilang mabuting kaibigan. Pero isa kasi yung mga ngiti mo ang hindi ko madadala sa itaas kaya nilubos ko nalang."

"Marami kaya akong pagkukulang sa'yo, Cali." bahagya siyang yumuko sa gilid niya bago siya may inabot sa'king malaking kahon. "Open it."

Bumungad sa'kin ang isang cute na aso. Agad ko itong inalis sa kahon niya bago ipanatong sa hita ko.

 Agad ko itong inalis sa kahon niya bago ipanatong sa hita ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Para kanino siya, Leo?"

"Para sa'yo. Siya ang iiwan ko rito para magbantay sa'yo. She's a girl, she will protect you kahit saan. Her name is Fadia-" dahil dun ay siniil ko ng halik si Leo. Ito pala ang pakiramdam, hindi mo iisipin ang hiya kapag mahal mo ang taong hahalikan mo.

So now, Leo is my first kiss.

"I love you, Leo." sabi ko bago ako niyakap ni Leo. I want Leo to live more. Gusto kong hintayin niya ako sa altar. Gusto kong magka-pamilya kasama siya. Marami akong plano sa buhay namin. Marami pang alaala ang gusto kong buuin kasama siya.

"Cali?" tumingala ako sa kanya. "Kapag namimiss mo ako, tumingin ka lang sa mga bituin na 'yan. Nandyan lang ako, pinapanood kayo."

"Leo, stop saying that."

Hindi pa ako handang I-let go yung taong mahal ko. Hindi pa sapat ang araw na 'to para iparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Hindi pa ako handa, Leo. Hindi pa ako handang mawala ka.

Promise. Aalagaan ko ng mabuti si Fadia. Hinding hindi ko siya pababayaan. Mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal ko sa'yo.

"Leo, pumasok na tayo sa loob kasi lumalamig na. Baka mapagalitan tayo ni Tita. Tara na-" nabitawhan ko ang kamay ni Leo nang maramdaman kong napakalamig ng kanyang mga kamay. "Leo?" inalog ko nang inalog si Leo pero bumagsak na ang ulo niya sa aking mga kamay.

Agad kong hinawakan ang pulso niya. Anong nangyayari? Hindi, hindi pwede 'to. Idinikit ko ang tainga ko sa dibdib niya. "No. Leo, No. Please. Don't do this to me. No Leo, No!" sinampal sampal ko pa si Leo pero wala pa rin siyang kibo. "This is not a good joke, Leo!"







"Tita! Si Leo!"







-ˋˏ ༻✿༺ ˎˊ-






"Kumusta, Leo? Baka barek ka ng barek dyan ah. Nako." bahagya akong napatawa dahil sa ginagawa ko. Hindi naman iimik 'yan e, baka mapatakbo ako kapag umimik yan. "Sobrang miss na kita. Sana nandito ka nalang."

Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang mawala si Leo. Kapag namimiss ko siya, umaakyat lang ako sa balkonahe ng kwarto ko para umiyak. Alam kong isa siya sa mga bituin sa langit, alam kong nandon siya. Ilang buwan na pero nandito pa rin yung sakit. Hindi nababawasan. Napaka-imposibleng tao ni Leo. Sobrang swerte ko dahil nakilala ko siya, dahil minahal ko siya.

Mananatiling alaala ang lahat ng 'yon pero isa yun sa mga bagay na pinanghahawakan ko para piliin ko pang lumaban sa buhay. Yung mga payo niya, yung mga bagay na tinuro niya sa'kin noong nandito pa siya. Iingatan ko ang lahat ng 'yun.

Sana maging masaya ka kung nasaan ka, Leo. Palagi mo kaming bantayan ni Mama at ni Tita. Syempre pati kami ng baby mo- kami ni Fadia. Masyado akong pinapabilib ng anak natin, Leo. Everytime na nakakakita siya ng flowers sa park, binibigyan niya ako. Tinuruan mo siguro 'to, Leo ano?

 Tinuruan mo siguro 'to, Leo ano?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cali! Let's go."

"Leo, I got to go. Happy Birthday." hinawakan ko ang puntod niya at saka ito hinalkan. Miss na miss ko na kagaguhan mo, Leo.

"Sige na- Fadia, Let's go."

Kung nawalan man tayo ng mahal sa buhay, maaari kang malungkot, magalit o mag-mukmok pero hindi ka pwedeng sumuko. Kailangan mong lumaban sa buhay katulad ng ginawa niya.

Payo? Halik? Yakap? Hindi niyan kayang bawasan ang sakit. Pero ang ala-alang ginawa niyong magkasama. Maaring makabawas sa sakit.

If you fell in love with your buddies, bud, dude, bro, partner in crime, boo, bestie, bff, baby carrot or wonderfriend or whatever name you used to call him/her, stand for what you feel. Confess your feelings. Because you don't know if you'll see him/her again.

Kinaya ko noong mawala si Leo dahil alam kong ginagabayan niya ako. Kung magkaka pamilya man ako, ikwekwento ko siya sa mga magiging anak ko. Para maging inspirasyon ka nila, Leo.

Nandito lang ang pagmamahal ko sa'yo, Leo. Hinding hindi ka mawawalan ng pwesto sa puso ko.

I love you, Leo. Miss na kita.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The End

<~>


FOLLOW ME FOR MORE <3

Losing You Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon