Ikatlo

1.1K 43 12
                                    

Ikatlo: "Outing"

Gabi na kami nakarating sa resort dahil sa naligaw pa kami ni Leo. Nanonood kasi ako ng new video ni Viy Cortez. Yung date nila ni Cong TV tapos si Leo- silip nang silip sa phone ko kaya nawala sa paningin niya yung kotse nina Tita kaya naligaw kami- We arrived safely naman.

From: Mama

Good Morning, darling! Kumakain na kami dito sa baba. Pinakaon na kita kay Leo kaya mag-ayos ka na. Baka ma-auto reject ka, sige ka.

Kahit mag-ayos ako, sure akong irereject ako ni Leo. I'm his bestfriend- that's all. Alam kong hindi ugali ni Leo ang mang-crush back! Bumangon na 'ko para mag ayos kahit tinatamad pa 'ko. Hindi ko ba alam, tamad na tamad ako ngayon.

I'm not fan of bikinis or any kind of sexy outfits kaya nag-high waist shorts nalang ako at simpleng crop top. Nahihiya kasi ako whenever I show some skin, nasanay na rin ako dahil ayaw ni Papa ng mga ganung kasuotan.

N

apatigil ako sa pagpapa cute sa salamin nang marinig ko ang ilang pagkatok mula sa labas ng kwarto ko.


I guess it's Leo.

"Good Morning." nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may dala-dala siyang bulaklak. Ito ang unang beses ko na nakitang ganito si Leo.

Nakasuot ito ng puting polo at ang tatlong butones sa dibdib nito ay tanggal dahilan para sumilip ang kanyang dibdib. Ang nakakapagtaka pa ron ay bakit niya inaabot sa'kin ang bulaklak? Bukod sa ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito, ito rin ang unang beses na binigyan niya ako ng bulaklak. "Oh–" sambit nito.

Agad akong tumungo dahil sa pag-init ng pisngi ko, hindi pwedeng mahalata ng isang Leonardo ang pag pula ng aking pisngi, "Tsk. Salamat!" sabi ko bago ako bahagyang tumawa. Pumasok muli ako ng kwarto para iwan ang bulaklak sa aking kama. Marahan ko itong nilapag bago sumilip ang aking mga ngiti. Marahan akong napakagat sa aking labi bago ako lumabas. "Let's go."

There is definitely changing between Me and Leo. Sa tingin ko, maaari na akong umamin. I'll just find the right time. Sana tama ang nararamdaman ko. Sana walang masira kapag umamin ako.

-ˋˏ ༻✿༺ ˎˊ-


Sinulit ko ang masarap na hangin at ang napaka gandang paligid habang naglalakad kami sa gilid ng dagat. Inaya ko kasi si Leo na silipin ang mga damit na isusuot namin para bukas. "Sana mag-extend pa si Tita, gusto ko pa mag-stay dito." sambit ni Leo habang nakatingin ako sa kanya.


"Pwede naman. Kahit kayo lang ni tita ang mag-extend," sabi ko bago tumingin sa'kin si Leo. Agad din naman akong umiwas nang ibaling niya sa'kin ang kanyang atensyon.

"Kami? Ayaw mo? Di mo ba gusto dito?" sunod-sunod niyang tanong.

Ayoko talagang pumunta dito. Ayokong mas ma-attached sa kanya. Ayokong makakuha ng dahilan para ipagpatuloy ko ang pag-amin ko sa kanya– pero pinipilit talaga ako ng tadhana.

Gusto kong umamin pero ayokong masaktan.

"Gusto naman-" huli kong sagot. "Leo, may sasabi-"

Losing You Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon