Ikalawa

1.4K 52 48
                                    

Ikalawa: "Oplan Amin"

I decided to watch confessions to bestfriends video on YouTube. Some of them are being rejected, some of them has the same feeling with each other and that makes me say, "Sana All."


I can't see myself confessing to Leo. Alam ko yung consequences kapag ginawa ko ang bagay na 'yon. Maaaring hindi na kami magusap, maari namang okay kami pero awkward– at hindi ko gustong mangyari 'yon sa'min ni Leo.


I can't imagine being awkward with him. Hindi ko kaya. Mag talo lang kami at magkatampuhan hindi ko na siya matiis. Paano pa kaya kapag gumawa ako ng move para magkalayo kami?


Actually, I know Leo. When some of girls in our school try to confess with Leo, he's trying his best para hindi sila maging awkward. Pero iba pa rin kami ni Leo, we've been bestfriend for a long time. Hindi ko alam kung ganun din ang gagawin niya kapag nag confess ako sa kanya.



Confession to bestfriends part 2 na ang pinapanood ko ngayon, halos lahat naman hindi nareject. But that won't push me to confess."Hindi pwede." mahina kong sabi. Binatawan ko na ang cellphone ko dahil hindi naman nakakatulong 'to. Baka isa lang 'to sa mga maging rason para ipush ko ang nararamdaman ko. No way! Highway!


"It's not going to happen! Walang aamin. Palalalain mo lang lahat, Cali. Hindi ka aamin–"


"Kanino?"


Napatigil ako sa sinasabi ko nang makita ko si Leo. Pumasok siya at umupo sa kama ko kaya agad kong dinampot ang cellphone ko. Baka makita pa niya kung ano ang pinapanood ko. "Oy, ano yan? Nanonood ka ng porn, ano?"


"Kapal mo, Hindi 'no!" pagtatanggol ko sa aking sarili bago ko siya irapan.


"Kanino ka aamin? May hindi ka pala sinasabi sa'kin ha."


"Ano bang kailangan mo?" bahagya siyang sumimangot dahil sa tono ng pag sagot ko sa kanya. Ayaw niya kasi na nag lilihim ako sa kanya. At hindi rin ako sanay na naglilihim ako sa kanya. Because we are considering each other as human diary.


"Itatanong ko lang sana kung sasama ka bukas." sabi nito na para bang may halong pagtatampo.


"Sasama ako."


Walang gana kong sabi. Tumango tango siya bago lumabas ng kwarto ko. I'm screwed. He really hates that. Feeling niya when someone is keeping secret to him, naiisip niya na his useless. Feeling niya hindi siya yung tipo ng tao na dapat pagkatiwalaan.


Susuyuin ko nalang siya mamaya kapag natapos ko na magayos ng dadalhin ko bukas. Tomorrow is his Auntie's beach wedding kaya kami aalis. Ayoko namang maging awkward kami bukas dahil siya ang partner ko, abay kasi kaming dalawa.


-ˋˏ ༻✿༺ ˎˊ-


Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga dadalhin bukas, pupuntahan ko na si Maarteng Leo. Di ko rin naman matitiis yon– Bumungad sa'kin si Tita at Mama na tawanan nang tawanan habang tinitingnan yung brochure.


"Aba, ano naman 'yan?" singit ko sa kanilang usapan.


"Anak, halika dali!" pinakita sa'kin ni Mama yung brochure ng mga swimsuits at cover ups for bikini."We're planning to wear something sexy–"


"Ma, Tita, mga dalaga't binata na ang anak ninyo. Tapos magsusuot pa kayo niyan?" pang-aasar ko sa kanila.


"Bakit? Sexy pa rin naman kami. Tsaka wala na namang asawa ang Mommy mo, at ayos lang naman sa Tito mo na mag-suot ako ng mga ganyan. Hindi katulad noon– todo pagbabawal yun sa'kin."


Losing You Under The StarsWhere stories live. Discover now