Una

2.6K 57 71
                                    

UNA: "Leo"

"Mahal ko na siya, Ma." nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ko 'yon kay mama. Alam niya kasing gusto ko si Leo, matagal na. Nanatili lang ang atensyon ko sa alak na nasa harapan ko dahil hindi ko talaga alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko. Mali man 'to o tama, wala akong magagawa, kasi hindi ko naman kayang kontrolin o pigilan ang puso ko.


"Ganun talaga, kasi tinago mo." bahagyang itinaas ni mama ang basong may laman na alak bago nito daretsong tinungga. Nanatili akong tulala. Kinuha niya ang basong nasa kamay ko at inayos niya ang kalat namin. "Aakyat na ako," humalik ito sa noo ko pagkatapos niyang sabihin 'yun. "Umamin ka na kasi." dagdag niya.


Madaling sabihin pero mahirap gawin. Ilang beses akong nagtangkang umamin kay Leo, pero para akong nakapatay kung paano ako konsensyahin ng sarili ko. Sa tuwing babalakin kong umamin, naiisip ko yung pinagsamahan namin bilang magkaibigan. Bilang magkaibigan ng napakatagal na panahon. Ang tagal na namin dahil simula pagkabata magkasama na kami. Hindi ko kayang mawala yung pinagsamahan namin ng dahil lang sa nahulog ako.


Umakyat na ako para makapag pahinga. Kailangan ko na ipahinga ang katawan ko, lalong-lalo na ang isipan ko.

Yung puso ko kaya? Paano ko patitigilin? Paano ko wawakasan ang pag-ibig ko sa' yo, Leo?


Nagulat ako ng may narinig akong kaluskos sa aking bintana, hanggang sa maaninag ko si Leo. He's here again. Agad akong bumangon at binuksan ang bintana.


"Leo–" agad niya akong niyakap, sinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko. He's crying again. Hinimas ko lang ang likod niya at hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko.


Isa lang ang dahilan kung bakit siya ganito.


Matagal na kaming magkaibigan ni Leo. We lived nextdoor because his mom and my mom are bestfriend since high school. Hindi na kami halos naghihiwalay. We also have same school since we were kid. Yun ang rason kung bakit magkalapit ang loob namin, at sobra rin ang tiwala namin sa isa't isa. Ako lang kasi yung taong nasasabihan niya ng sikreto at natatakbuhan niya kapag may problema siya. Malakas na tao si Leo, kapag nakasama mo siya, hindi mo aakalaing umiiyak siya ng ganito. Nasanay na rin kasi ako. Sino pa ba ang magtutulungan kundi kami ring dalawa.


"What happened?" tanong ko. Kumalas siya sa'kin and then he sat on the floor while wiping away his tears. Umupo ako sa kama ko at hinimas ang kanyang likuran para pakalmahin siya.


"He's home." tipid niyang sagot, umub-ob siya sa mga hita ko bago umiyak ulit. Hindi niya mapigilang umiyak sa'kin sa tuwing umuuwi ang daddy niya. His dad is having an affair and Leo knows that. Natatakot siyang masira ang pamilya niya, natatakot siyang sabihin sa mommy niya dahil alam niyang masasaktan lang si tita. Isa rin kasi siya sa taong naka tuklas kung paano ako nahirapan noong iwanan kami ni papa. Especially, si mama.


//flashback//


"Felix, wag mo kaming iwan ng Anak mo!" Nang marinig ko ang sigaw ni Mama ay agad akong umuwi ng bahay galing kayna Leo. Nagmadali akong umuwi sa takot na baka hindi ko na mapigilan pa si papa. "Hindi ka ba naaawa samin ng Anak mo?" bumungad sa'kin si papa– mabilis siyang bumababa ng hagdan habang hinahabol siya ni mama.


"Papa? Saan ka pupunta?" tanong ko habang gumigilid ang mga luha ko.


"This is just temporary, babalik ako." tiningnan ko ang mga gamit na dala niya– dala niya ang lahat ng gamit niya na nag papakitang hindi lamang pansamantala ang kanyang pag alis.


"Bakit parang ang dami naman niyan, Papa?" hindi pinansin ni Papa ang tanong ko at agad na humalik sa aking Noo.


"Felix!" hahabol pa sana si mama nang agad siyang hawakan ni Leo.


"Please, Papa, wag mong gawin samin to ni Mama." hinawakan ko ang kamay niya, nagmamakaawang wag niyang iwan ang pamilyang binuo niya, pero hindi ko na siya nagawang pigilan. Inalis niya ang kamay ko at hindi man lang lumilingon sa'kin. "Papa?" wala akong magawa kundi panoorin siyang iwan kami ni Mama. Sumakay siya sa sasakyan niya at tuluyan kaming iniwan.


Bumuhos ang luha ko dahil sa sakit. Alam kong hindi na babalik si papa. Alam kong matagal na niyang planong iwan kami para magsama sila ng kabit niya. I tried my best para lang mapakita sa kanya na hindi namin deserve maiwan ni mama, pero wala, nagawa niya pa ring iwan kami. Na lason pa rin ng babaeng yun ang isip at puso ng tatay ko.



"Tama na 'yan." agad akong yumakap kay Leo nang hilahin niya ako palapit sa kanya, "Nandito lang ako para sainyo ni Tita, hindi ko kayo iiwan."


//end of flashback//


"I'll get you some water, dito ka lang." kailangan niya ng tubig para humulas siya, alam kong nag inom na naman siya kanina.


"I want beer-"


"Shut up." bumaba na ako at dumaretso sa kusina.


Hindi kami pinabayaan ni Leo simula nang iwan kami ni Papa. Kulang pa 'tong ginagawa ko ngayon para mabayaran lahat ng 'yon. Siya yung taong iniyakan ko nung mga panahon na hinahanap ko ang kalinga ng isang Ama. Siya yung tumutulong sa'king awatin si Mama sa gulo, sa alak, at sa lahat ng bagay.


Umakyat na ako para painumin siya ng tubig pero tulog na si Leo sa kama ko ng dumating ako. Inayos ko na ang kumot niya- sa sahig nalang siguro ako matutulog. Hindi ito ang unang beses na natulog sa kwarto ko si Leo, madalas siyang sa sahig natutulog pero sa ngayon, hahayaan ko na munang sa kama siya matulog. Alam kong kailangan niya ng mahimbing na tulog pagkatapos ng lahat.


"Good Night." sabi ko bago ko ayusin ang buhok niya. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para magulat ako.


"Dito ka lang." imik nito.


Umupo ako sa sahig, hinayaan ko lang na hawakan niya ang kamay ko hanggang sa makatulog na siya ng mahimbing. "Pasaway kasi e." bulong ko bago ako bahagyang tumawa. "Good Night."


Nandito lang ako palagi for you, Leo. It was hard for me growing up without papa and your always there to guide and support me. Nakita niya yung flaws ko pero hindi niya ako iniwan.


He's the best best friend.


Bestfriend nga ba? Hm, I know it was something more.

Losing You Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon