nine days After

277 27 44
                                    

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

— ✽ —

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

— ✽ —

F E B RU A R Y  23

        HALOS ISANG oras nang paulit-ulit na tumatawag si Remi kay Kara. Minu-minuto rin ang pagpapadala nito ng text messages at chat sa kanya. Hindi na lang niya muna pinansin ang mga iyon kahit pa alam niyang nag-aalala lang ito.

        Matagal niyang tinitigan ang pangalan ni Remi sa screen ng phone, tumatawag na naman ito. "P'wede naman kasing 'wag pansinin 'yong tweets ko." Nag-unat siya ng mga binti.

        Medyo naiinitan na siya sa suot niyang itim na oversized tee-shirt pero ayaw pa niyang lumabas. Pagkatapos nilang mag-usap ng mama niya, iniwasan na niya ito buong araw.

        Kung lalabas man siya ay para lang kumain, mag-CR, at maligo.

        Namatay ang screen nang tumigil sa pagtawag si Remi. Pinailaw niya iyon.

        Walang kahit ano galing kay Karim. Mukhang hinihintay nitong siya mismo ang magparamdam – pinanindigan pa rin ang pinangakong "space."

        Nakarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Bumalikwas siya ng bangon.

        "'Nak, kain na." Saglit na tumahimik sa kabilang bahagi ng pinto. "Kausapin ka raw ng papa mo."

        Bumuntonghininga siya nang marinig ang papalayo nitong mga yabag.

        Tumayo siya para tupiin ang kumot na ginamit sa magdamag. Inayos din niya ang mga unang nagkalat. Pinusod niya ang buhok bago ibulsa ang phone sa cotton shorts niyang hanggang tuhod. Hinila niya pababa ang laylayan ng suot na shirt.

        Saglit siyang natigilan sa pagpihit ng doorknob. Kapag ang papa na kasi niya ang nagsabi, mahirap at imposible na itong makumbinsi pa. Tuluyan niyang binuksan ang pinto at lumabas ng kuwarto.

        Pagdating niya sa kusina, sabay na nag-angat ng tingin ang mga magulang niya sa kanya. Lumabi siya. Masyado kasing tahimik, mabigat ang tensyon sa hangin. Dahil magkatabi ang mga ito, doon na lang siya umupo sa katapat na upuan ng mama niya.

eve (a novella)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu