the day before

470 45 10
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

— ✽ —

F E B R U A R Y  13

        NAG-UNAT SI Kara ng mga binti sa ilalim ng mesa. Dahil alam ni Karim na mabagal siyang kumilos, napagdesisyunan niyang unahan ito sa coffee shop. Dumating siya roon nang mas maaga kaysa sa napag-usapang oras.

        Puting pullover ang pinili niyang suotin. May white lace na detalye iyon sa dulo ng magkabilang manggas. Vintage na pares naman ng pantalon ang pang-ibaba niya.

        Pagkatapos ay nagsuot siya ng dalawang layer na kuwintas. Lip and cheek tint lang din ang nilagay niya sa mukha para magmukha siyang disente kahit papaano.

        Sinadya niyang magmukhang hindi naghanda para hindi nito mahalata ang nerbyos niya.

        Sa bandang likod ng coffee shop siya pumuwesto. Nakalapag lang ang phone niya sa ibabaw ng mesa habang nakasabit pa rin sa kanan niyang balikat ang dalang shoulder bag.

        Napatingin siya sa phone nang mag-vibrate iyon.

        Napatingin siya sa phone nang mag-vibrate iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

        Inayos niya ang pagkakapusod ng buhok. Nang hindi niya iyon naayos at may hibla pa ring kumakawala, pinabayaan na lang niya.

       Saktong pag-angat niya ng tingin ay siyang pagpasok ni Karim sa coffee shop. Maingat pa nitong sinara ang sliding door.

eve (a novella)Where stories live. Discover now