fourth hour of the Day

374 42 33
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

— ✽ —

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

— ✽ —

F E B R U A R Y  14

        SA LIKOD ng coffee shop nila napiling tumambay at magpalipas ng oras.

        Naunang lumakad si Karim. Nilibot naman ni Kara ng tingin ang paligid. Magkakapatong ang mga sirang kahoy, mesa, at upuan sa tabi ng pintuan papasok sa kapehan.

        May bakal ding upuan, parang lumang bleachers. Nangangalawang na iyon – halos wala nang bakas ng pintura – at tinambak na lang doon ng kung sino.

        Sa harapan nila ay kitang-kita ang tulay, kalsada, at mga ilaw ng sasakyan – parang makinang na langgam lang ang mga iyon sa sobrang layo.

        Nilabas niya ang phone mula sa bulsa. Pasimple niyang kinuhanan ng litrato ang kasama. Ang kaso, automatic na nag-flash ang phone niya dahil sa dilim ng paligid.

        Nakangiting lumingon sa kanya ang lalaki. "No flash photography, please."

        Nangingiti siyang umiling. "Bakit? Artwork ka ba?"

        Nalukot ang noo nito. "Hindi ba?"

        Mabilis itong tumalikod at dumiretso sa kinakalawang na bleachers. Ni hindi nito nilagyan ng sapin ang upuan.

        "Baka bawal d'yan," alanganin niyang sabi, sinubukan lang niya kung makikinig ba ito sa paninita niya.

        Inililis pa nito ang suot na hoodie nang hindi iyon malagyan ng kalawang. Nang makaupo ay tumingin ito sa kanya, parang nagtataka. "Ayaw mo bang umupo?"

        Napangiwi siya. "Safe ba d'yan?" Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.

        "I didn't hear any creak yet, so I guess it's safe." Maluwang itong ngumiti bago nilahad ang kaliwang kamay.

        Lumingon muna siya sa paligid, baka kasi may manita sa kanila. Bumuga siya ng hangin bago lumapit kay Karim. "'Pag ako nahulog dito. . ." Inabot niya ang kamay nito bago humakbang at umakyat sa isang baitang.

eve (a novella)Where stories live. Discover now