seventh hour of the Day

293 34 25
                                    

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

— ✽ —

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

— ✽ —

F E B R U A R Y  14

        BIGLANG TUMUNGHAY si Karim kay Kara, parang may gustong sabihin. Lumabi ito, mukhang nagdalawang-isip.

        Pinatong niya ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng pinggan. Katatapos lang nila kumain ng pork sisig, iced tea na lang ang natira sa mga in-order nila.

        "Bakit?" Sumimsim siya ng iced tea mula sa babasaging baso.

        Umiling ito bago simutin ang kaunting kanin sa sariling plato. "I was about to ask something inappropriate."

        Mahina siyang natawa. "Ngayon ka pa nahiya?" Nag-unat siya ng mga binti sa ilalim ng mesa. "Sa dami ng ginawa at sinabi mo kanina. . ." Sinadya niyang 'wag tapusin.

        Kinamot nito ang ilong, tinakpan ang hindi inasahang ngiti. "Para namang hindi ka natuwa."

        "Hala." Hindi niya napigilang tumawa. "Anong natuwa? Ikaw 'tong walang warning, e."

        Naiiling itong ngumiti. "Akala mo ba, hindi ko alam na sinilipan mo 'ko sa side mirror?" magkahalong pang-aasar at pang-aakusa nito.

        Napalakas ang tawa niya, nagtaas-baba na ang mga balikat. "Amputa, makabintang, a? Anong mayro'n sa sisig at nambibintang ka?"

        Napakurap siya nang mapansing nakataas at nakatutok ang phone nito sa kanya. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa screen niyon, kinuhaan siya ng litrato.

        Alanganin itong tumikhim, lumabi para hindi niya mahalata ang ngiti. "Sorry, you just look different."

        Uminom siya mula sa baso. "Paanong 'different'?"

        "I don't know how to explain that." Tipid itong ngumiti. "Basta, ibang-iba ka ngayon kumpara no'ng unang labas natin."

        Hindi niya alam kung anong isasagot. Marami siyang gustong sabihin kay Karim pero wala pa siyang lakas ng loob. Baka mamaya na lang – bago sila umuwi.

eve (a novella)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt