Napakunot ang noo niya, "Anong mga pinagsasabi mo? at isa pa, sino ka para kausapin ako?" tumayo siya at kunot ang noong dahan dahang lumapit rito, napangisi siya ng mahalata niyang umiiwas itong makita niya ang kanyang mukha.

"Para sa kaalaman mo, hindi tipo ng isang makisig na lalaking kagaya ko ang mga babaeng misteryoso at walang lakas ng loob, kaya kung ako sayo tatanggalin ko na ang telang nasa iyong mukha upang makita kita." ani niya rito, ngumisi siya rito at isang matatalim na titig lang ang nakuha niya mula rito kaya napailing siya, matapang ang babaeng ito.

"Sobrang tanda ko na para sa iyong kaalaman, mahal na prinsipe."

Naningkit ang kanyang mga mata. Papaano nito nalaman na siya ang mahal na prinsipe? Siguradong ipapapatay siya kung malaman ng mahal na hari.

Pilit niya ring inalala kung may nakita naba siyang katulad nito, kakaiba kasi ang pananamit nito kaysa sa mga ibang babae na nakatira sa Hanyang, ang mga suot nila ay desente, makikita mo ang pagiging mayaman nila at talagang napaka ganda ng mga disenyo, pero ang babaeng nasa harap niya ngayon ay napaka misteryo.

"Saang bayan ka nakatira? Nalibot ko na ang buong bansa ng Hanyang ngunit wala pa akong nakikitang kagaya mo, atsaka bakit kaba nagtatakip ng tela sa iyong mukha? kulubot naba ang kutis mo o tatatlo nalang ang ngipin mo?" pang aasar niya rito.

"Ang mga immortal na may dugong makapangyarihan ay kailan man hindi kumukupas ang kagandahang taglay. Ngunit ang maipapayo ko lamang sa iyo, ay tanggapin na ang plano ng iyong amang hari na ipadala ka sa kasalukuyan. Wag na wag mong paplanuhing baguhin ang nakatakda dahil hinding hindi mo magugustuhan ang magiging kapalit kapag tadhana ang bumawi." saad nito, nagsimula itong tumalikod at maglakad palayo sa kanya.

"Sino ka para sabihan ako ng dapat kong gawin o hindi? Isa kang lapastangan!" sumigaw siya at akmang hahabulin pa ito ngunit bigla nalang itong naglaho. Nailing siya at napabuntong hininga, napakarami na talagang mga taong misteryoso.

Ngunit ano ang sinasabi ng babaeng iyon na ipapadala siya ng amang hari sa kasalukuyan? Hindi niya alam na meron pa lang kasalukuyan, o nagbibiro lamang ang babaeng iyon?

"Siguraduhin mong walang makaka alam na alam mong ako ang prinsipe. Kung hindi, tigok ka." natatawang ani niya habang nakatingin sa lupa kung saan nawala ang babae.

Napangiwi siya at agad na umalis na sa lugar na iyon, ng makalayo layo na siya ay agad niyang ipina walang bisa ang kapangyarihan niya upang makagalaw na ulit ang mga kawal.

Nagtungo siya sa bayan ng Joseon kung saan marami siyang mga babaeng pinagsasabay sabay. Para saan pa't napaka gwapo ng mukha niya kung hindi niya pakikinabangan, hindi alam ng mga mamamayan ng Hanyang kung sino ang susunod na hari, walang nakaka alam ng kanyang itsura at pangalan. Sa oras na malaman ng kahit sino kung sino at ano siya, o ano ang pangalan niya, kamatayan ang parusa.

Siya ang susunod na hari, at walang nakaka alam non tanging ang hari, si Jun, ang mahal na inang reyna, at si Ministro Jang pati narin ang mga tauhan sa palasyo lamang ang nakaka alam. Nang nasa bayan na siya ng Joseon ay nagtungo siya sa isang espasyo kung saan nagaganap ang kasiyahan tuwing biyernes at tama nga siya, nagkakasiyahan na ang lahat ng mga taong naroon.

Nagtaka siya ng magtinginan ang lahat sa kanya at magbulong bulungan. Napataas ang isa niyang kilay at napabuntong hininga. Sobrang nakaka akit naba talaga ang kanyang itsura para ganon ang reaksyon nila? Sabagay, sanay na siya roon.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWhere stories live. Discover now