Chapter 42

5.5K 246 1
                                    

Aliyah's P.O.V.

Niligpit ko na ang mga gamit ko. Uwian na at naunang umuwi si Cinnamon. Hindi ko na rin nakita si Alec at Khyl, pero wala akong pakialam.

"Aliyah." Nakangiting tawag sa'kin ni Kent.

Sabay kaming lumabas ng room at saktong pagkalabas namin, sumalubong sa amin si Philip.

Tiningnan ako nito at nilipat ang tingin kay Kent tapos muling binalik ang tingin sa'kin. "Nandyan pa ba si Keil?" Tanong nito sa'kin.

Umiling ako. "Nauna na yata." Sagot ko.

Tsaka wala na akong pakialam sa kapatid mo.

Tumango-tango ito. "Ganoon ba? Hindi ko kasi matawagan."

Nagkibit-balikat ako. "Wala eh. Nakaalis na sila ni Alec."

"Sige salamat na lang." Napatingin muna s'ya kay Kent bago s'ya umalis.

"Sino 'yon?" Tanong ni Kent sa'kin nang nakalayo na si Philip.

"Kapatid ni Keil, si Felipe." Sagot ko.

Tumango-tango s'ya. "Kaya pala medyo magkahawig sila."

Ngumiti lang ako ng kaunti at hindi na nagsalita pa. Naglakad kami palabas ng campus. Hindi ko na rin nakita sina Alec at Khyl pero wala talaga akong pakialam. Nakalabas na kami ni Kent sa campus. May mga sinabi s'ya pero puro maiiksi lang ang sagot ko.

"Malapit na pala ang acquaintance party. Pupunta ka ba?" Tanong n'ya sa kalagitnaan ng usapan namin.

Tumango ako. "Oo, mukhang masaya kasi." Sagot ko.

Tumango s'ya. "Oo naman, magiging masaya 'yon."

Sigurado naman na marami ang pupunta kaya magiging masaya talaga 'yon.

Marami kaming napag-usapan hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay n'ya. Nagpaalam s'ya at nagpasalamat dahil sumabay ulit ako sa kanya. Pumasok na s'ya sa bahay n'ya at nagpatuloy naman ako hanggang sa makauwi na ako sa bahay.

Pagpasok ko sa bahay, naabutan ko sina Mila at lola na gumagawa ng tiktok videos. Natawa ako sa nakita ko. Mga baliw lang.

Dumaan ako sa tapat nila dahilan para masira ang moment nila sa paggagawa ng video. Pero bago pa ako makatakbo ay nahatak na ni lola ang bag ko dahilan para mapahinto ako at matumba.

"Aray." Natatawang saad ko. Galit na galit lola?

Tumawa lang si Mila sa nakita n'ya. Tumayo ako at natatawang iniwan sila doon tapos umakyat sa sariling kong kwarto. Nilapag ko ang bag ko sa study table at nagpalit ng damit.

Bumaba ulit ako at hindi pa rin tapos ang paggagawa nila ng video. Kaya naman humiga na lang ako sa sofa at pinanood sila hanggang sa nakatulog ako.

***

Nakapasok na ako sa gate ng Naido Palace. Naido Palace day ko ngayon at medyo napaaga ako ng punta. Sana lang mayroon akong makausap bago magsimula ang trabaho ko. Naglakad na ako sa kahabaan ng daan papunta sa mismomg palasyo. Ang akala ko ay si Finn ulit ang maaabutan ko sa tulay pero nagkamali ako. Dahil si Khyl ang nakita ko na kasalukuyang naglalaro ng maliliit na kidlat sa mga palad n'ya.

Wait, sino si Khyl? Hindi ko s'ya kilala.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi s'ya pinansin. Hindi n'ya rin naman ako pinansin. Malapit na ako sa palasyo at hindi ko pa rin s'ya nilingon. Sabi ko naman 'di ba? Wala akong pakialam sa kanya. Pumasok na ako sa palasyo at umakyat sa ikalawang palapag. Nagsimula na rin akong magtrabaho kahit medyo napaaga ang dating ko.

Naido High: School Of Magic [COMPLETED]Where stories live. Discover now