Chapter 31

6.9K 282 32
                                    

Aliyah's P.O.V.

Nandito na kami nina Prince Khyl at Prince Philip sa tapat ng gate namin. Binuksan ko ang gate at pinapasok silang dalawa. Sumunod sila sa'kin hanggang sa makapasok kami sa mismong bahay namin.

Nakaupo si lola sa sala kaya naman nakita n'ya kaagad kami. Napakunot ang noo n'ya. "Oh?"

Oh? Ano naman 'yon lola?

"Anong 'oh?'" Tanong ko sa kanya.

"Iyan si Khyl 'di ba?" Nguso n'ya kay Kidlat. Tumango ako biglang sagot. "'Yang isa? Manliligaw mo?"

Ano raw?

"Hindi." Bored na sagot ko. "S'ya si Prince Philip, magkapatid sila at kaibigan ko sila." Paliwanag ko.

Napaangat ang isang kilay n'ya sa'kin. "Hindi ko alam kung bakit ka nila naging kaibigan. Hindi ko nga makita kung saang parte ka maganda."

B*tch what?

"Itong mukha ko ang maganda." Inis na sabi ko.

Umiling s'ya. "Hindi rin." Aniya. "Hindi ka ba nahihiya? Ang gwapo ng mga kasama mo."

Narinig kong nagtawanan ng mahina ang dalawa sa likod ko. Sa lahat ng lola s'ya lang yata ang ganyan. Maganda naman ako, malamang nang-aasar lang s'ya.

"Umupo na nga muna kayong dalawa." Utos ko sa dalawa at sinunod naman nila kaagad. Magkatabi silang umupo sa sofa at sa isang upuan naman nakaupo si lola.

"D'yan na muna kayo. Magpapalit lang ako ng damit." Tinalikuran ko sila. Pansin kong nawala na rin si Mila. Umakyat ako sa hagdan at pumunta sa kwarto ko. Nagbihis ako ng hindi gaanong makapal na t-shirt dahil medyo mainit ngayon. Nagpalit rin ako ng hindi gaanong maiksi na short, kumbaga sakto lang. Hindi na muna ako bumaba. Bahala na ang dalawang 'yon doon.

Inayos ko ang laman ng bag ko dahil nagmistula itong basurahan. Inayos ko rin ang gulo-gulo kong gamit na nasa study table ko.

"Aliyah!" Rinig kong tawag ni lola. Ang lakas pa rin ng boses n'ya.

"Bakit?" Malakas na sagot ko.

"Hindi ka pa ba bababa? May mga bisita ka dito."

Inis akong napairap. "Hayaan mo sila!"

Hindi naman ako ang may gusto na pumunta sila dito. Bahala sila d'yan.

Napalingon ako sa pinto. As usual, nakita ko na naman ang nakasabit na pana at palaso doon. Lumapit ako sa pinto at kinuha ang mga ito.

"Mukhang naman palang maganda 'to gamitin." Sinuri ko ang pana at palaso na ito.

Sa kakatitig ko dito. Bigla itong umilaw ng kulay berde. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad itong sinabit ulit sa pintuan.

Ayan na naman, umilaw na naman.

Binuksan ko ang pinto na hindi tinitingnan ang mga ito at patakbong bumaba ng hagdan. Nakasalubong ko sa baba si Mila at napakunot ang noo n'ya sa'kin.

"Ano ang nangyari?" Nagtatakang tanong n'ya. Malamang nagtataka s'ya kung bakit ako nagtatatakbo.

Walang nangyari, umilaw lang naman kasi ang pana at palaso sa kwarto ko.

Umiling ako. "Wala naman. Exercise lang, ganoon."

Tumango-tango s'ya pero may pagdududa pa rin ang tingin n'ya. Halatang hindi naniwala sa sagot ko.

"Magluluto ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango s'ya. "Oo. Hindi ko nga alam kung ano ang lulutuin ko. Nakakahiya naman sa mga bisita mo."

Naido High: School Of Magic [COMPLETED]Where stories live. Discover now