#3

8 0 0
                                    

Aura pa lang ng chat mo alam ko na

Ito yung pambungad mo sa umaga

Away na naman,

hindi ka ba nagsasawa eh wala naman tayong napapala

Hindi ka nagrereply, nag FFB ka lang pala

Tanong ko saking sarili mahalaga ba ko sayo?

Na kung mahal mo ba talaga ko?

Kampante ka siguro na hindi ako mawawala sayo

Panatag ka na kahit anong gawin mo alam mong andito lang ako

Na kahit di mo ko pansinin, alam mong maiintindihan ko

Sa tuwing nawawalan ka ng pake

nilalaliman ko aking pang-intindi

Iniisip ko, iniisip ko kung saan ba ko nagkamali

panatag ka habang ako hindi mapakali

Buong puso akong nagmamakaawa sayo

Kahit anong lambing ko di umuubra sayo

Wala manlang akong ideya kung bat pinaparanas mo to

Ano kayang nagawa ko sa nakaraang buhay ko bakit pinagdadaanan ko to?

Hindi ba dapat ikaw yung nagpapagaan ng buhay ko?

Bakit parang mas pinaparusahan mo pa ko?

Parang bale wala sayo ang lahat

Napaisip ako hindi ba ko sapat?

Wala naman akong ginawa kundi mahalin ka nang tapat

Kasi diba ayun naman dapat?

Mas lamang yung puot sa puso ko

Kaya siguro ganto yung nilalaman ng tula ko

Kung ano kinalambot ng puso ko

Sya namang kinatigas ng iyo

Nakakalungkot isipin,

kinuha mo ba aking puso para lang iyong durugin?

Lagi kong pinapanalangin na sana

Sana dumating yung araw na,

sa akin na lahat ng atensyon mo

Sa ngayon mahal magtitiis muna ako

Magtiis at maghintay sa pagmamahal mo

Mga Tula Para Sa KanyaWhere stories live. Discover now