yosi at kape

8 0 0
                                    


Salamat sa yosi at kape
Sila kase yung madalas kong kakampe
Lagi kong kakwentuhan
Tungkol sa mundo na puno ng kalungkutan

Madaling araw na naman pala
Ano naman kayang kape aking ititimpla
Yung masarap ipares sa yosi kong pula
Higop sa kape, hithit sa yosi sabay buga

Tanginang kape at yosi to lakas magpakalma
Kasabay sa pagbuga ng usok na wala ka na
Masaya naman ako nung una
Mas sumaya nga lang nung dumating ka

Di raw tayo bagay sabi nila
Yung timpla kase ng ating buhay magkaiba na
3 in 1 lang kaya ko, starbucks naman yung iyo
Pero kahit ganon pa man gusto kitang mahalin sa lahat ng paraan

Mga Tula Para Sa KanyaWhere stories live. Discover now