Tula #2

12 0 0
                                    


madaling araw na,

hanggang ngayon ikaw parin laman ng isip ko sinta.

ang daya mo pala, bakit ba ngayon ko lang nahalata.

bakit ngayon pa kung kailan mahal na kita?

nabighani sa kutis mong porselana,

naligaw sa titig ng iyong mga mata,

naniwala sa matatamis mong salita,

nahulog sa husay mong magmahal at mag-alaga.

'di nagtagal bigla kang nanlamig at nagsawa,

nadurog sa masasakit mong salita,

binuo ang sarili dahil mahal ka,

nagpaabuso dahil ayaw kang mawala,

inaabangan mo na lang naman ako na magkamali diba?

ako'y iwas sa mali

takot magkamali

dahil

isang maling galaw

ay agad kang bibitaw

;

Mga Tula Para Sa KanyaWhere stories live. Discover now