Napasapo naman ako sa ulo nang maalalang hindi ko pala alam kung saan ang dining area dito. Sa lawak ba naman ng palasyo.

May dumaan na tagapagsilbi kaya hinarang ko ito. Nagulat siya at napaatras. Ang mga mata niya ay parang nagmamakaawang huwag pugutin ang kanyang ulo. Ang OA ah.

"W-Wala po akong ginagawang masama, k-kamahalan." Sabi niya at lumuhod. Palihim naman akong natawa. Ganito ba talaga kasama si Victoria?

"Alam ko. Nais ko lamang na pumunta ka sa hapagkainan." Sabi ko. Napakunot naman ang kanyang noo na parang tinatanong kung bakit siya pupunta doon.

Napaisip naman ako. Papapuntahin ko lang naman talaga siya para sundan ko siya.

"Para... para tulungan ang mga tagapagsilbi doon. Tama!" napapalakpak nalang ako dahil napakagaling kong magpalusot.

Tumango naman siya at lumakad na. Sinundan ko naman siya na kunwari ay alam ko ang daan.

Pagpasok namin sa isang malaking pintuan ay bumungad sa amin ang isang mahabang lamesa. Doon ay nakaupo si Ariel, isang batang lalaki, at ang hari at reyna.

Nakatulala lang ako at namamanghang nakatitig sa kanila. Natauhan nalang ako nang tawagin ako ng reyna upang maupo. I let an awkward smile and sat in one of the chairs.

Napatulala nalang ulit ako sa dami ng pagkaing nasa hapag. May lechon baboy, lechon manok, may mga gulay, salad, leche plan, at iba pa.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, anak?" tanong ng hari kaya naman natauhan ako.

"A-Ayos lang po." saad ko at ngumiti. Nagkatinginan naman sila ng reyna. Okay, did I say something wrong?

"M-May problema po ba?" Utal kong tanong pero ngumiti lang sila at umiling.

Nagsimula nang kumain. Kukuha sana ako ng marami kaso naalala kong naka healthy diet nga pala ako ngayon kaya vegetable salad at leche plan lang ang kinain ko.

"By the way, have you received the letter from the Royal Council?" tanong ng reyna kaya napatigil ako sa pagkain.

"H-Hindi pa po." yun nalang ang sinabi ko. Hindi ko naman talaga natanggap.

"Anong hindi? I saw the letter in yoir study table when I visit you lately." Sabi naman ni Ariel kaya napatingin silang lahat.

"Ay yun ba 'yon? Sorry, I forgot." saad ko tsaka mahinang tumawa. Nakumbinsi naman sila at napatango nalang.

After the dinner, I immidietly went to Victoria's room. Aish, ang pangit talaga ng kulay ng kwarto niya. If magtatagal pa ako dito, I'll probably change it into violet.

Kinuha ko ang sobre na nakalagay sa mesa at binasa ito.

To Princess Victoria Velloire,

We wish to inform you that your registration for the Royal Book Festival is already confirmed.

"Uhm, what's that letter all about again?" tanong ko kaya naman napatigil sila sa pagkain.

"Victoria, that's your greatest dream. To publish a book under the guidance of the Royal Council, am I right?" nagtatakang tanong ng reyna. Napangiwi naman ako. Hindi ako si Victoria!

"I'm so proud of you, anak. It's a great honor for Winzellia if you could publish that book." sabi naman ng hari at nginitian ako.

"Besides, you're a writer, Victoria. Indeed a great one." Puri naman ni Ariel.

Napangiwi naman ako. I know nothing about writing. I'm only a mere reader.

Napadukmo nalang ako. Victoria and I are really opposites.

She likes yellow and I hate it.

She likes sunflowers while I like orchids.

And now, she loves writing but I'm just a reader.

Paano ko naman magagampanan ang character niya? Amg layo layo namin sa isa't isa.

Kinuha ko ang pluma at papel sa gilid. They don't have any technological things here that I can use in writing.

I'm not good in writing. Especially in thinking of a great plot. But I thought of something I can somehow write.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang magsulat.

Storyline entry:

Once upon a time, in a far away land, there was a normal girl living a normal life. But a mysterious book changed her ordinary life into a magical one.

After she finished reading the book, she woke up as its protagonist. Can she live the life that isn't really hers?

***********

Ever AfterWhere stories live. Discover now