Chapter 25: I Do By 911 Band

79 5 0
                                    

SANDY'S POV

Lumingon sya sakin.

"Sino ka ba talaga? Kilala na ba talaga kita? O Balat kayo mo lang yun? Alin ba talaga ang totoo?"

Naguguluhan sya pero kalmado parin ang boses nya.

"Anak ako ng mga Vergara. Sina Margarita Vergara at Lance Vergara ang mga magulang ko. A-ako si.... A-Ako si Alessandra Vergara. At ako ang babaeng nakatakdang pakasalan mo."

"So totoo nga?"

"Pero, Ty. Nung una hindi ko alam na ikaw pala ang lalaking yun. Tinago ko ang pagkatao dahil..... galit ako sa pamilya ko. Namatay  ang ate ko ng hindi alam ng magulang ko dahil galit sila At nabuntis ang ate ko ng hindi kilalang tao."

"Sana sinabi mo sakin! Una palang."

"Wala akong oras para sabihin sayo yun. At natatakot."

Napasabunot sya sa buhok at mukhang napo prostrate. Naiintindihan ko sya. Hindi ko sinabi ang totoo sa kanya kaya natural lang na magalit sya.

"Naiintindihan ko kung gusto mo nang tapusin kung ano mang meron tayo---"

"Ano bang meron tayo?"

"H-huh?Ang ibig kong sabihin....Kung ano mang kaugnayan ko sayo. Alam kong gusto mo ng tapusin--"

"Sino ang nagsabi? Mga magulang ko? Kaibigan ko? Si Anya? Wala akong sinbing ganun."

"Kung ganun--"

"Sandy. Just once,Gusto ko lang malaman."

"A-ang A-alin?"

"Nang walang kinalaman sa magulang natin. Walang kahit anong naguugnay satin......Sandy,Mahal mo ba ko?"

Parang napako ako sa kinatatayuan ko at nabuhusan ng malamig na tubig.

At natibok ng mabilis ang puso ko ng parang baliw. May lumilipad na paru-paru sa tiyan ko.

Walang salita ang makakapagsabi ng nararamdaman ko ngayon. Magiging honest ba ko sa kanya?

Oo. Gusto nyang malaman e.

"P-pano P-pagsinabi k-kong Oo?"

Gusto kong sya ang unang umamin. Hindi ko na kayang masaktan ulit. Tama na yung sakin na naramdaman ko nun.

"A-Anong gagawin mo kung sinabi K-kung sinabi kong 'Oo'?"

Nagkatitigan lang kami at tinatansya ang awrang bumabalot samin. Hinihintay kung sino ang unang sasagot.

Umiwas sya. Yun na yun. Ang senyales na Wala syang nararamdaman sakin. Ano pa bang aasahan ko?

Playboy nga pala sya.

"I-ihahatid na kita. M-magpapaalam lang a-ako sa kanila."

Pagkapasok nya palang ay doon na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit. Paang pinipiga at tinutusok ng karayom ang puso ko. Hindi ako makahinga ng maluwag. Para akong sinosuffocate at hindi makahinga ng normal.

The Heart Breaker'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon