Chapter 15:The Letter

93 7 0
                                    


SANDY'S POV

"Diba sa darating na sabado na yung prom night? Ikaw Sandy, Sasali kaba?"

"Hindi ko alam, kasi para sakin aksaya lang ng oras yan.... "

"Hindi naman, Para din naman magsaya amg ibang mga estudyante ang prom. "

"Sino namang magyayaya sa isang tulad ko?.... "

"Edi si Mr.Admirer mo..."

"Hindi naman totoo ang Admirer ko.... Siguro na pagtripan lang ako ng ibang estudyante dyan... "

"Hindi ka manlang kinilig dun?.... Kung ako yun magtatatalon ako sa kilig. Ang sweet kaya ng mga love letter..... "

"Ayoko ng paligoy ligoy pa. Kung may gusto syang sabihin, Sabihin nya mismo sa mukha ko. "

"Baka naman nahihiya lang.... "

"Oh baka sadyang torpe lang kamo sya... "

Nagkukwentuhan kami ni Anya sa loob ng classroom ngayon ng bigla nalang napunta ang usapan namin sa prom night.

"Sulat po para kay, Sandy Del Rosario... "

"Sandy!! May sulat ka!!! "

Huh? Sulat?? Hayy..... Malamang galing na naman sa Mr. Blue na yun na naman.

Inabot sakin ni Grace ang sulat. Nagpasalamat ako bago buksan ang laman ng sobre.

"Malamang kay Mr. Blue na naman galing yan.... Patingin nga!!! "

"Opp!!Ako muna ang magbabasa pwede?? Kasi parang ikaw na si Sandy kung ganun e...."

"Hm!! Sige na nga...Magccr lang ako sandali. "

Nangmakaalis na sya tsaka ko lang binuksan yung sobre.

Dear Sandy, My Number 1 Lovey

Alam ko siguro ngayon hindi mo na naaalala pero lagi kitang iniisip at laging inaalala ang masasaya nating oras, Alam ko nasaktan kita at sana napatawad mo na ko sa nagawa kong yun. Hindi ako nagiisip at mas inuna ko na naman ang iba keysa sayo at sating dalawa. Nagpakalayo layo muna ako para naman mabigyan ka ng space. Yun lang ang kaya kong ibigay sayo. Pero pagnagkita tayo mas lalo ko nang pangangalagaan ang relasyon natin.Sorry Bunny.... Mahal na mahal kita.. Lagi mong tandaan yan....

--SINCERELY YOUR, JACK YOUR HUSBAND~

Jack.....

Ng ilang segundo lang ganun kadaling parang bumalik sakin ang lahat yung Saya, Pagmamahal, At sakit na pinadama nya sakin.

Pero bakit ngayon ayoko nang alalahanin yung mga pinaramdam nya sakin na kinalimutan ko na ng tuluyan.

Bakit ngayon pa?  Bakit? Bakit kung kailan kaya ko ng magbuhay ng maligaya? Bakit ngayon Pa nya naisip magparamdam?

Madaming tanong ang gumugulo sa utak ko. Pero isa lang ang tunay na gumugulo sa utak ko. Akala ko wala na...... Akala ko hindi na sya babalik at magpaparamdam pa....

Pero bakit kailan nyang bumalik pa?

Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko sa mata na walang humpay sa pag agos.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago lumabas ng room at tumakbo papalayo.... Wala akong pake kung sino ang mabunggo ko basta ang mahalaga para sakin ng mga oras na yun. Ang makalayo ako at makapag isip isip.

The Heart Breaker'sWhere stories live. Discover now