Chapter 5:Puppy hit birdy

115 6 0
                                    


Sandy's POV

"Stalker kita noh? O Di kaya Isa ka sa mga ex ko na umaasang babalikan ko pa. "

Hindi lang pala mayabang tong lalaking 'to... Saksakan ng yabang.

"FYI ,Hindi ako Isa kuno sa mga stalker mo at lalong hindi ako isa sa mga ex mo. Hindi ko nga aakalaing may pumatol sayo.. "

"Bakit naman wala?!? Sa gwapong kong 'to... Sinong hindi mahuhumaling. "

"Pasensya na pero pwede mo bang ituro kung saan? " Pinantay nya ang mukha nya sa mukha ko.

"Itong mukhang 'to.. Lahat ng 'to kinababaliwan ng lahat ng babae. " Sya na ata ang nababaliw..

"Sya-sya... Maikli lang ang breaktime namin kaya kung pwede aalis na kami.. " Hinila ako ni Anya (Short for Natasha) paalis.

"Pagpasensyahan mo na yun ah.. Nasobrahan lang ata sa hangin nung bata yun... "

"Teka bakit Ikaw ang nag so-sorry para sa kanya?!?"

"Hindi kasi marunong magsorry si kuya kaya iba ang gumagawa nun para sa kanya.. "

Nabilaukan ako kahit wala naman ako iniinom o kinakain.

"KUYA?!?! "Tumungo nalang sya bilang sagot. "Ang taong yun.... Kuya mo ba talaga sya?!?! Sa kapal--" Napatigil ako bigla nakalimutan ko magkapatid nga pala sila tumungo nalang ako.

"Don't worry. Alam ko namang ganun talaga ang ugali nya. Miski ako nagtataka kung saan nagmana yan e.. "

"Hehehe.. ^_^' .Pagpasensyahan mo narin ako sa tabas ng dila ko..."

"No it's okay. Mas gusto ko nga yung magkavibe tayo parehas tayong madaldal... HAHAHA"

Nagapir kami bago pumasok sa loob ng Cafeteria. Buti nalang kahit papaano hindi naging masama ang araw na'to dahil may kaibigan nako.

***

Natapos na ang klase at pauwi nako.

*BEEP! *

"Hoy,Puppy! Bakit magisa kalang? " Ano bayan? Lagi ko nalang ba makakasalamuha ang lalaking 'to?.. Tumigil ako sa paglalakad bago lingunan sya.

"Wag mo nga Kong tawaging puppy!! Mamaya lang susunduin na'ko ng boyfriend ko..."

Ngumisi sya bago ulit nagsalita..

"Sayo may nagkagusto?Kawawa naman pala yun... May boyfriend ka pala?" Natatawang tanong nito.

"Oo. Akala mo sakin Anti-social na tao.. "

"HAHAHAHAHA.. Pfft--You mean... Yung boyfriend mo kaibigang lalaki? "

"Mas prefer ko kasi na boy bestfriend kase sa mga babaeng Papetiks-petiks lang ang alam. "

"Sino ba kasing magtatangka manligaw sayo kung ganyan ang itsura mo? WHAHAHA.."Bastos ang lumalabas sa bibig nito ah...

"Nagtataka talaga ako kung pano mo nakukuha ang mga babaeng gaya nila sa lumalabas dyan sa bibig mo. "Lumabas sya ng sasakyan nya bago lumapit sakin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Baby, It's not in my sweet words girls go crazy it's my sweet lips. " Umakto pa tong nag lipbit. Bago unti until nilapit ang mga yun sakin.

The Heart Breaker'sWhere stories live. Discover now