Chapter 3:Hang over

150 7 0
                                    


TYRON POV

Natutulog ako ng bigla may humawi ng kurtina na sumilaw sa mukha ko.

"Ikaw na bata ka! Gumising kana dyan. Alas nwebe na ng umaga.." Hinila nya ang kumot ko kaya nagtaklubong ako ng unan."Hala sige bumangon kana dyan at Nasa baba ang mga kaibigan mo."

"Uhhhhh...Mamaya na puyat pa po ako."Pinalo ako nya ko kaya napabangon ako."Nakakahiya kanina pa sila nandito kaya bumaba kana."


Naghilamos nalang ako bago nagdamit at bumaba. Habang pababa ako narinig ko ang tawanan nila Troy at ng kapatid ko.


"Anya,Tawag ka ni Mommy sa kusina tulungan mo daw sya magluto."Tinitigan nya ko ng masama bago dumaretsyo sa kusina.

"Bakit ang aga nyo ata?"

"Dinaanan ka talaga namin pero mukhang ayos kana naman."


"Kagabi tumawag ka pero iba ang boses nya,Boses babae kaya pumunta kami agad. Sabihin mo sino naman ang babae mo ngayon?" Chismoso talaga kahit kailan tong si Warren.


"Ano bang sinasabi nyo?Wala akong babae Ok? Magkakasama tayo kagabi at nakita nyong Wala akong kasama na babae."

"Pero Sino---"Siniko sya ni Troy.

"Napadaan lang talaga kami. Aalis narin kami Dahil may gagawin pa kami...Sige Dre. Tita aalis na po kami."

"Oh! Bakit hindi nalang kayo dito magumagahan?"Biglang singit ni Mama.


"Hindi na po,Tita.May gagawin pa po kami ni Troy."

"Ganun ba Sige,Ingat kayo sa daanan."

"Sige po,Ba bye!"

"Ingat kayo sa daan."Paalam ko sa kanila. Tanaw kong may pinagbubulungan pa sila.

"Bakit hindi natin sabihin sa kanya?" Bulong na Tanong ni Warren.

"Hayaan nalang natin syang maalala yun."

"Is it good thing na hindi na nya naalala?"

"Don't know!Siguro sya nalang bahala,Sya naman ang may gawa non."

"Ano kayang pinagbubulungan nila?"

"You really don't have any idea? Tch. Poor Playboy!"

"ANYAAAA!!!!" Hindi kasi alam ni mama na isa akong playboy at si Anya lang ang nakakaalam. At wala akong idea kung pano. Isa syang mapanakot na brat.

The Heart Breaker'sWhere stories live. Discover now