Chapter 18:MIA?! AS IN MISSING IN ACTION?!?!

86 6 0
                                    


TYRON'S POV

"Bakit Hindi nya sinasagot Ang tawag ko? Kung kailan naman kailangan sya."

"Ano? Nacontact mo na ba sya?" Tanong ni Warren.

Nandito kami ngayon sa condo ni Troy at sinusubukang tawagan si Sandy pero nakailang tawag na ko Hindi nya parin sinasagot. Ano bang nangyayari sa babaeng Yun?

"Malaking gulo Kung hindi natin sya macontact. Mas lalong kailangan sya ngayon."

"Kaya nga..... Nasan ka na ba,Sandy? Kung kailan kailangan ka."

"Pero....Bakit kaya hindi nagpakita Ang fiancee mo sa engagement announcement?"

"Hindi nagpakita? Ibig Sabihin hindi sya nagpakita kahapon?"

"Hmm! Nagmukha nga kaming tanga kahapon dun e...."

"Kung ganon..... Hindi nyo nakita Ang mukha nya?....Ang pangalan nya sinabi ba?"

"Syempre. Iaannounce ang Engagement nya kaya binigay Ang pangalan nyo..."

"Kung ganun--...Anong pangalan nya? Ng Fiancee ko?"

"Ano ba Yun? Sa-S-sa....Sa...Ah! Alessandra Vergara. Yun Ang pangalan nya."

"Si Troy?Nandun din ba sya?"

"Si Troy?Hindi ko masyadong napansin si Troy kahapon....Pero baka Nandun din sya at narinig Yung Announcement dun."

Sya ang anak ng may ari ng school malamang alam nya Ang mga dumalo sa Okasyon.

"Sobrang daming dumalo at halos mga bigatin."

"Nasan na ba si Troy?!"

"Bakit naman galit na galit ka?"

"H-Hindi ako galit. Napoprostrate lang ako...."

*Click!*

Sa wakas nandyan na din ang kanina pa namin hinhintay.

"Hoy! Gawin mo yan. At pakidalian lang,Ok?"

Mukhang may kausap sya sa phone.

"Hoy."

"Ayy!! Palaka!...Hay!! sa susunod wag ka basta basta nanggugulat!"

"Kanina pa kami naghihintay sayo ni Warren. Saan ka ba nagpunta huh?"

"Lumabas lang ako..... Bakit ba? Ano na namang kailangan nyo ngayon?!"

Aba't--- Tinataasan nako ng boses neto!

"Nandun ka ba sa nung may nag announce sa school kahapon?"

"Malamang. Halos lahat ng Share holders ng school nandon. Lalo na ang pinaka malaking share holders....Ang Vergara's Company."

"Since,Anak ka naman ng may ari ng school baka..---"

"Teka sandali. Hihingi ka na naman ba ng favor? Naku,Sinasabi ko sayo hindi ko na magagawa yan."

The Heart Breaker'sWhere stories live. Discover now