🎤Chapter 8🎤

26 1 0
                                    

(Sheryl)

Buwisit na buwisit si Sheryl dahil kung kelan sasabihin na ng kaibigan niya kung sino ang naghatid sa kanya nung gabing iyon tiyaka naman biglang nawala iyong internet nila.

Kahit kelan talaga walang pakisama ang wifi na yan!

So as soon as naibalik na ang connection nila ay tinadtad niya ng chat ang baklang kaibigan.

6:15 p.m

Sheryl:

Baks? Sino na kasi sabihin mo na
Jenine huy! Sino na kasi?
Bakla mag-online ka naman bakit di mo sinasagot ang mga chat ko😒
Jenine huy!

7:00 p.m

Jenine:

Kalmahan mo lang Ate Sheryl kaloka ka haha😂 kaka-out ko lang kaya.

Sheryl:

Sino na nga kasi baks? Hindi ako matahimik e😅

Jenine:

Hulaan mo na lang ate, para may mystery dali.😁😁

Sheryl:

Ang dami mong hanash baks! Kung sinasabi mo na lang kasi para natatapos na ang paghihirap ko.

Jenine:

Humuhugot ka na naman Ate ko haha😂😂

Sheryl:

Pashnea ka kasi ang dami mong eklavu ayaw mo pa sabihin eh makukurot talaga kita sa singit pag pasok ko sinasabi ko sa'yo.😒😒

Jenine:

Ang harsh mo naman sa little sister mo Ate Sheryl, sige ka baka di kayo magkatuluyan ng soul mate mo hahah😂 sasabihin ko na sa'yo but in one condition...

Napaisip muna si Sheryl bago ito nakasagot sa kaibigan. Dami kasing pabitin, pero sa totoo lang gusto na rin niyang ibitin itong kaibigan niya ito kung pwede lang dahil sa dami ng hanash at may pa-mystery effect pa, gusto lang niya naman malaman kung sino nga ba ang lalaking iyon.

Sheryl:

Sige kahit ano pa 'yan gora.😊😊

Jenine:

Yey haha pero pag pasok mo na sasabihin sa'yo kung anu 'yon Ate😂

Sheryl:

Ang dami mong hanash talaga bakla sino na nga kasi bibigwasan na kita eh haha...

Jenine:

Eto na nga Ate... si kuya Jonathan lang naman kasi ang naghatid sa'yo yiee...😍😍😍😍

Nang malaman niya iyon hindi niya alam kung dapat nga ba siya kiligin or anu.

🎤🎤🎤🎤🎤🎤🎤🎤🎤🎤🎤🎤🎤

Bakit ba IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon