🎤Chapter 1🎤

150 21 180
                                    


(Sheryl)

Ilang buwan na rin simula nang mawalan ng trabaho si Sheryl, lungkot na lungkot siya at tila nawawalan na nang pag-asa. Tuwing nag-aapply kasi siya sa mga company minsan, lagi na lang siyang hindi natatanggap. Hindi niya tuloy alam kung ano nga ba ang problema kung bakit ayaw siyang tangapin ng mga recruiter. Gusto lang naman niyang magka trabaho para makatulong siya sa mga gastusin nila sa bahay.

Simpleng babae lang naman si Sheryl, medyo tahimik minsan, pero once na maging close mo na siya lumalabas na rin iyong pagkamadaldal niya at pagkabaliw, morena siya, tapos average lang naman ang height, tapos ang buhok niya ay kulay itim na medyo nilagayan niya ng style ng kaunti, mahilig siyang makinig ng music at lalo na ang gumala. Nabobored siya kapag matagal na naiiwan sa bahay, feeling niya mamatay na siya sa boredom kapag ganyan. Siya rin ang tipo ng babae na hindi mahilig mag-makeup. Blush on at lipstick lang kasi ang inilalagay niya sa kanyang mukha kapag umaalis siya. She believes that simplicity is beauty. Naniniwala rin siya na someday, darating din ang taong hinhintay niya, ang taong muling magpapatibok ng kanyang puso.

Ngayong Araw, maagang nagising si Sheryl dahil pupunta siya sa opisina ng department store kung saan siya natanggap mga ilang linggo na rin ang nakalipas.  Nag-apply kasi siya as sales clerk sa isa sa mga job fair na pinuntahan niya, at sinuwerte naman siya na na-hire on the spot. Matagal niyang hinintay dumating ang opportunity na ito. Kaya tuwang-tuwa siya at halos walang mapaglagyan ng kanyang kaligayahan nang mga sandaling iyon.

Pinapunta kasi siya sa office ng HR department para kumuha ng schedule niya at pumirma ng contract. Maaga siyang umalis, para na rin makabalik agad at maka-iwas sa traffic. Thirty minutes away lang ang mall na iyon mula sa kanilang bahay, may kalakihan din ang mall na iyon. Actually, lagi siyang gumagala sa mall na ito back in her college days medyo malapit kasi sa dati niyang school.

Lord thank you talaga sa opportunity na ito na binigay mo sa akin, I promise I won't let you down.

Bulong ni Sheryl habang naglalakad siya sa mall papunta sa office ng department store. Nakasuot siya ng yellow polo-shirt, denim jeans at black doll shoes para mukhang presentable tignan kapag humarap na siya sa HR department. Hindi na rin siyang gaanong nag make-up lipstick at foundation lang ayos na. At nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Pero inayos niya muna ito bago siya tuluyang pumasok sa loob ng office.

Once nakapasok na siya sa office, nagiwan siya ng I.d sa guard at dumiretso na siya sa HR department.

"Hi, I'm looking for Mr. Michael Guevara." Sabi niya sa babae na andoon sa loob ng HR office.

"This way po Ma'am." Turo sa kanya ng babae at agad niyang nakita iyong lalaking pinagpasahan niya ng requirements weeks back. Medyo matangad na payat iyong lalaki, Sa tantiya ni Sheryl nasa around 40 years old na ang lalaki, at mukhang malinis tignan. Dahil ayos na ayos ang uniform nito. So nilapitan na agad ni Sheryl ang lalaki na nakatayo malapit sa isang table.

"Hi Sir, Sheryl Marisse Velasco po. Pinapunta niyo po ako to sign the contract at kumuha po ng schedule." Nakangiting bati niya sa lalaki.

"Right, have a seat first Sheryl." Sabi ng lalaki at itinuro ang upuan sa harap ng table at doon umupo si Sheryl.

Habang nakaupo si Sheryl, may tinawagan sa telepono iyong lalaking kausap niya, mga ilang minuto iyon nagusap, tapos maya-maya ibinaba na nung lalaki ang telepono at muling humarap sa kanya.

"So Sheryl, I've just talked to your team leader, I said that you are the replacement of that previous employee. So punta tayo doon to get the schedule. Turuan na rin kita kung paano gumamit ng biometrics for your attendance, so let's go?"

Bakit ba IkawOù les histoires vivent. Découvrez maintenant