🎤Chapter 4🎤

75 11 65
                                    

(Sheryl)

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang magtrabaho si Sheryl sa department store na iyon. Yes inaamin niya na medyo nahihirapan siya sa una dahil lagi siyang nakatayo, may mga araw nga minsan na umuuwi siya at dahil sa sobrang pagod nakakatulog siya agad, pero eventually nasanay na rin naman siya dahil araw-araw na niyang ginagawa iyon.

Noong mga unang linggo rin ni Sheryl, ay nahihiya pa siyang lapitan ang mga custumer. Feeling niya kasi napaka-awkward naman kung lagi na lang siyang nakasunod sa customer kahit na hindi naman kailangan. Pero makalipas ang ilang linggo ay ginagawa niya na rin iyon, inaalam na lang muna ni Sheryl ang kailangan ng custumer bago niya sundan ito, mamaya kasi sa ibang area naman pala ang hanap noon tapos parang tanga siyang nakasunod rito.

Medyo marami na ring kaibigan si Sheryl sa area niya, at sila din ang mga kasabay niya tuwing lunch break at coffee break, mababait naman ang mga tao doon kaya madali niyang nakasundo. May isang tao lang talaga na kahit anung pilit niya ay hindi niya talaga makasundo which is Mary Ann. Hindi niya talaga ma-gets kung bakit Araw-Araw na lang Ay lagi siyang sinusungitan nito, tapos kung 'di naman siya sinusungitan, sinisinghalan naman siya nito. Bagay na di nagugustuhan ni Sheryl, wala naman siyang ginagawang masama rito, kaya hindi niya alam kung bakit ganito ang trato sa kanya ng babaeng ito.

At ang nakakapagtaka din kasundo na rin niya iyong lalaking nang-aasar sa kanya noong unang araw niya. Nalaman ni Sheryl na Jonathan pala talaga ang tunay na pangalan ng pasaway na iyon. Basilyo lang ang nakasanayang itawag sa lalaki ng mga kasamahan nila. Mabait naman si Jonathan, at simula noon lagi na silang nag-aasaran, napaka sipag din  nito, dahil ngaung pareho sila ng shift ng lalaki napansin niyang maaga itong pumapasok kahit na parehong closing ang schedule nila.

Marami rin silang pagkakapareho ni Jonathan, kaya no wonder na madali niya itong nakasundo. Katulad ng pagkahilig sa mobile games, yes inaamin ni Sheryl na isa siya sa mga babaeng naaadik sa mobile games, at kayang-kaya niya ring makipag sabayan sa mga lalaking ito when it comes to playing mobile legends.

Naalala niya pa noon, napupuyat siya kakalaro sa playstation, matapos lang iyong game na nilalaro niya. Iba kasi ang feeling kapag nakakatapos siya ng game para bang may na-fullfill siya ganyan.

Nakita  kasi ni Sheryl one time na naglalaro si Jonathan ng mobile legends kapag break, kaya naintriga agad si Sheryl sa larong ito, tapos ayun nakahiligan na niyang laruin iyon. Nakakawala kasi ng stress. At hindi lang 'yon pareho silang makulit ni Jonathan kaya no wonder na rin at nasasakyan nila ang trip ng isa't-isa. Ang ikinakainis lang ni Sheryl minsan sa ugali nitong si Jonathan, ay iyong kapag tinatawag niya ay hindi agad sumasagot, gusto pa lalapitan ito para makuha ang attention nito. Bagay na palagi nilang pinagaawayan ng lalaki.

Huwebes ngayon, at tuwing ganitong araw ay maluwag sa selling area, 'di lang dahil wala ang team leader nila kung hindi wala rin ang pinaka head ng department nila so malaya silang gawin ang gusto nilang gawin nang walang sumisita sa kanila. Katulad ng mag-loitering at makipag-chatting sa kanilang kapwa sales clerk.

Pero kahit ganun pa man, hindi umaalis si Sheryl sa area niya, ayaw niya kasing magkaron ng bad record sa buong stay niya sa kompanyang ito. Yes, nakikipag-usap naman siya sa ibang sales clerk pero hindi siya umaalis sa assigned area niya. Baka kasi mag-ikot ang mga bossing tapos mabigyan pa siya ng memo. Bagay na iniiwasan niyang mangyari.

Wala rin masyadong customer ngayon, weekdays kasi. Usually kasi kapag weekends sila dinadagsa ng customers. Especially kapag Sunday, doon kasi maraming pumupunta ng mall.

Bakit ba IkawWhere stories live. Discover now