CHAPTER 02

1 0 0
                                    

Jaeden Franks

Mabuti naman at marunong syang
tumupad sa usapan dahil tingin ko hindi na nya ako sinusundan.

Well, that's good.

Dahil nakaramdam ako ng gutom dahil sa babaeng yun ay dumiretcho nalang ako 7 eleven malapit sa condo unit ko. Matapos kong bayaran yung Cup Noodles at Canned juiced na binili ko ay agad akong pumwesto sa may bandang sulok ng nasabing lugar kung saan matatanaw mo yung labas ng Convenient Store.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may biglang umupo sa tapat ko, agad naman akong tumingala upang tignan kung sino 'yon. Napangiwi nalang ako ng napagtanto kong yung babaeng sumusunod sakin yung kaharap ko ngayon. Sinusundan nya padin ba ako?

"Opps, dyan ka nagkakamali, hindi kita sinundan noh' nagkataon lang na nagutom ako kaya ako nagpunta dito. "She explained na para bang nabasa nya yung nasa isip ko.

"Look, ang daming bakanteng upuan oh, ba't dito ka pa talaga umupo sa table ko? "

"Ihh, yoko wala nang ibang customer dito bukod satin kaya mas mabuting makiupo ako sayo, and besides I'm not introvert mas gusto kong nakikihalubilo sa ibang tao. "Sabi nya sabay kagat ng hotdog sandwich. Hinayaan ko nalang sya sa kung ano mang gusto nyang gawin.

I'll mind my own business. She mind her own business.

Nang matapos ako sa pagkain ng cup noddles ay agad ko namang ininom yung canned juice ko. Habang umiinom ay saka ko lang narealized na nakatingin pala sya sakin. Holy shit  Naluwa ko tuloy yung juiced!

"O, ano ba naman yan kuya ang baboy mo namang uminom. "Aniya.

Gago sya? Kung hindi nya ako tinignan ng ganun e di sana di yon mangyayare.
"Kasalanan mo yun! Tsaka pwede ba 'wag mo nga akong tawaging 'kuya' I'm not that old to called by that, tss baka nga mas matanda ka pa sakin eh. "

"Sus, ilang taon ka na? Sige nga sino satin ang matanda ngayon. "Paghahamon nya na para bang pumusta ng napakalaking halaga.

"Tss. Ba't ko naman sasabihin sayo? Do we know each other? Ah before I forgot we're totally a strangers by the way. "Sabi ko sabay taas-kilay.

"Sus, ayaw mo lang na malaman ko na mas matanda ka sakin eh. Yiiii naku kuya okay lang yan marunong naman akong gumalang sa mas nakakatanda sakin eh. "Bigla naman akong nainis sa sinabi nya.

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon