CHAPTER 03

0 0 0
                                    

Jaeden Franks

"I'm sick and I want to rest...forever. That's why."

"You're sick? Wait, Seriously? " Tanong nya na para bang hindi makapaniwala sa narinig.

Tumango naman ako. "Oh, I'm sorry to hear that. Kung tutuusin pala walang wala pa yung problema ko sa problema mo."She said sabay yuko. Ginulo ko naman yung buhok nya.

"No, it's okay you don't have to say sorry. " Ani ko, Mukha namang nainis sya sa ginawa ko.

"Ya! Ba't mo ginulo yung buhok ko!" She said then pout. Napangiti naman ako sa kanya.

She's actually cute.

Ewan ko ba kung bakit biglang gumaan yung loob ko sa kanya. There's something about her that I really wanted to know. I want to know more about her. It seems like we found our remedy to each other. Simula nung sabihin nya sakin yung problema nya tingin ko matagal ko na syang kilala.

I found her interesting.

How cool.

"Tara?" Yaya ko sa kanya sabay tayo at naglakad palabas ng convenient store.

"Teka lang, saan ka naman pupunta?" Nagtataka nyang tanong.

I smiled at her then walked away.

----

"Oyy! Teka lang hintayin mo ako!" Dinig kong sigaw nya mula sa likuran ko.

Tss. Ang bagal mag lakad. "Bilisan mo kasing maglakad!" I answered without even looking at her. I don't know basta namalayan ko na lang yung mga paa kong naglalakad pabalik sa Madissons Square. Siguro feel ko lang na mag open-up sa kanya about sa kalagayan ko kahit na hindi ko sya ganun kakilala basta ang alam ko lang onti-onti akong nagiging komportable sa kanya.

Hanggang sa narating na namin yung MS.

Mahal na mahal ko talaga ang lugar na 'to, ewan ko ba basta dito ako komportable, dito ako nagkakaroon ng lakas ng loob na ilabas lahat ng problema ko.

Umupo ako sa isa sa mga bench doon at tumitig sa kalangitan, I looked at my wrist watch. It's already 5:00 in the morning at mahigit ilang oras nalang at sisikat na ang araw. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatitig sa kalangitan.

I feel relaxed.

"Grabe ang bilis mo namang maglakad myghad" Aniya habang hinihingal.

"The sky's look so beautiful isn't it?" I asked her while looking at the sky. Naramdaman ko naman na umupo sya sa tabi ko.

She smiled at me. "Of course, sabi nila sky is the one of the most beautiful thing in the world. " Sabi nya habang nakatingala din sa langit. Ngayon ko lang napansin ng tuluyan kung gaano sya kaganda, she looks like innocent. She looks like an angel. Hindi mo aakalaing may pasan pasan syang problema cause she looks like carefree. A happy one.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Apr 24, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Beautiful NightmareDove le storie prendono vita. Scoprilo ora