Chapter Twelve

Depuis le début
                                    

“Mabuti na lang at hindi ka napahamak, Sevs.” Nginitian niya si Alexis. 

“Salamat sa inyo.”

“Hindi ko sana puputulin ‘yang kwentuhan ninyo, pero kailangan na talaga nating umalis dito,” pamumutol ni Colby. Napagdesisyunan nilang lima na lumabas na ng building para lumayo, pero natigilan sila nang may humarang sa kanilang daanan. Dalawang lalaki iyon na may hawak-hawak na baril dahilan naman para magtakbuhan silang lima. Agad silang pinagbabaril ng mga ito. Hindi naman sa inaasahan na nagkahiwa-hiwalay ang magkakaibigan.

Hindi alam ni Severina kung nasaan na ang mga kasamahan niya. Tiningnan niya ang paligid kung nasaan siya ngayon, wala siyang ibang nakikita kundi ang mga nakatambak na mga gulong sa paligid. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa makita niya si Diana sa unahan. Mukhang gaya niya, nawawala rin ito. Alam niya naman kasi na pinaalis na ito ng Tito Franco niya kanina.

Napansin agad ni Diana ang presensya ni Severina kaya lumapit siya rito. Tinaasan ni Diana ng kilay si Severina. “Walang hiya ka!” Dali-daling lumapit si Severina rito, ganoon din ang ginawa ni Diana, kaagad silang dalawa nagsabunutan. Hanggang sa gumulong-gulong na sila sa maduming lupa.

Nabigyan ng pagkakataon si Severina na makapatong kay Diana kaya dali-dali niya itong sinampal. “Ito para sa akin! Ito para kay Sean!” sigaw niya habang paulit-ulit na sinampal ang mukha ni Diana.

Mangiyak-ngiyak naman si Diana sa sakit na nararamdaman. “Tama na, Severina!” Pilit hinawakan ni Diana ang kamay ni Severina, pero hindi pa rin ito tumitigil. “Tama na!” Umiiyak na ito sa harapan ni Severina ngayon kaya itinigil ng dalaga ang pagsampal sa mukha nito.

Agad umalis si Severina sa pagkakadagan kay Diana habang umiiyak pa rin si Diana.

“Sorry, sorry talaga!”

Nawala ang galit at inis sa mukha ni Severina, napalitan ito ng lungkot at awa. Kahit ganito ang ginawa ng pinsan niya, kahit ayaw niya rito, hindi niya pa rin ito kayang saktan. Baliktarin man ang mundo, pinsan niya pa rin ang babaeng ito.

“Sevs!”

Kaagad na lumapit ang apat sa lugar kung nasaan sila ni Diana ngayon.

“Ikaw!” Akmang susugod na sana si Sean kay Diana, pero mabilis na pinigilan ito ni Severina. Napansin din ni Sean na umiiyak ito kaya mabilis itong kumaripas nang takbo. “Gano’n na ba talaga ‘yun, pababayaan n’yo na lang?” inis na tanong ni Mayumi sabay tingin sa lahat. “Severina, marami ‘yang masamang ginawa sa ’yo. She didn’t even care no’ng nawala ka!” dagdag pa nito.

“Pabayaan mo na, Yums.” Lumapit si Severina sa kanilang apat. “Pabayaan muna natin siya.” Doon, ay naglakad na silang lima palabas ng building.

GUNNER groaned in pain nang biglang tapakan ni Franco ang likuran niya. Kanina pa sila naglalaban at mukhang wala ng pag-asa si Gunner. Hindi niya inasahan na ganito pala kalakas si Franco. “Wala ka pala, eh! Puro ka lang porma!” Mas binigatan pa ni Franco ang sarili para masaktan nang todo si Gunner sa pagtapak niya sa likuran nito.

Muli siyang pinabangon ni Franco saka muling pinagsusuntok. “Ang tibay mo, ah!” Sigaw pa nito sabay pakawala ng suntok sa mukha ni Gunner. Nang mapansin ni Franco na hinang-hina si Gunner sa kanilang labanan ay iniwan na niya ito saka kinuha ang papel kung saan napirmahan na ng magkapatid ang isang agreement, na kusa nang ibinibigay ng magkapatid ang kanilang mana.

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant