Chapter 15: Memories

83 19 0
                                    

Memories

Third Person's POV

Nang pagbukas niya sa pinto ng office ni Rence ay nakita niya itong nakatalikod sa kanya. At kita niya kung pano ito lumingon na para bang nakita na niya ito dati.

"Ellah! Mahal kita!" nag-eecho ang mga sinasabi ni Rence nang nakadamit pa sila ng uniform at nasa rooftop sila ng school nila dati.

"Francess nabigay mo na ba ang document kay dad?" Waring naging bingi siya at ang alaalang iyon lang ang naririnig niya.

"Ang corny mo!" sigaw ni Francess a.k.a. Ellah nang malayo palang siya kay Rence.

"Kinilig ka naman!" sigaw naman ni Rence pabalik.

"Francess!"

"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Ellah!" sabi ni Rence at nagform ng heart gamit ang braso niya papunta sa ulo niya.

"Francess!" Waring hindi pa rin niya naririnig ang mga sinasabi nito.

"Mahal na mahal din kita Rence!" Hindi niya namalayan na nasabi na pala niya ng malakas ang mga senaryo na nakikita at naririnig niya lang.

"A-ano?" gulat na nagtataka naman ang itsura ni Rence ngayon.

"R-Rence, nagbalik na 'ko. Binalikan kita," may mga luhang kumakawala na sa mga mata ni Francess ngayon.

"E-Ellah?" tanong ni Rence at nakangiti na tumango nalang Francess sa kanya.

Yumakap nalang si Rence kay Ellah na talagang mapapansin mo ang pananabik nito sa kanyang dating kasintahan.

"Ellah alam mo ba kung gaano kita kamiss ha?" tanong ni Rence sa kanya habang magkayakap pa rin sila.

"Nawala man alaala ko hinding-hindi kita makakalimutan Rence," sagot naman sa kanya ni Francess.

"Halika," sabi ni Rence at hinila ang kamay nito papunta sa desk niya. "Naalala mo pa ba 'to?" tanong ni Rence at pinakita ang necklace niya kay Rence.

At may senaryo ulit na sumilay sa isipan ni Francess.

"Oh," pag-abot niya kay Rence ng kwintas.

"Bakit mo 'ko binigyan nito?" tanong niya nang nakita na ang laman ng box na maliit at isa itong kwintas na may pendant na letterings na Rence na gaya rin ng binigay niya kay Francess or Ellah.

"Kasi para magkapair tayo, 'di ba?" tanong niya at ipinakita naman niya ang kwintas niya na naunang binigay sa kanya ni Rence.

"'Yan yung gift ko sa 'yo nung birthday mo," sabi naman ni Francess nang maalala ito.

"Naalala mo na nga," sabi naman ni Rence.

"Ako nga binigyan mo ng necklace na wala namang dahilan," natatawa pang sabi ni Francess.

"Meron kaya," sagot ni Rence.

I met him in RPW (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon