Chapter 8: The decision

92 32 0
                                    

The dicision

Francess' POV

Nandito nga pala kami sa dati kong tambayan at lunch time na ngayon. Actually pwede rin namang dito na namin palipasin ang oras tutal naman wala na rin kaming ginagawa sa room pero may attendance kasi kaya kailangan pa rin naming pumasok sa room.

"Huwag ka ngang mambola diyan," napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman ako nambobola ah, ikaw nga ang pinakamagandang babaeng nakilala ko eh," sabi pa niya.

"Asus sinasabi mo lang 'yan kasi nililigawan mo ako," sabi ko naman.

"Hindi 'no. Maganda ka talaga saka nililigawan naman kita kasi mahal kita," sabi niya. "Hays kailan mo ba kasi ako sasagutin?" parang naiinip niyang salaysay.

"Naiinip ka na?" tanong ko.

"Ah syempre naman hindi 'no kahit maghintay pa ako ng walang hanggan sa 'yo ayos lang," napangiti na muli ako sa sinagot niya.

Sana naman maging tama ang disisyon ko ngayon. Sana naman maging tama na ikaw ang pipiliin ko Kris.

Nang narinig namin ang pagtunog ng bell kaya sign iyon na time na.

"Halika na," una siyang tumayo para alayan ako ng kamay at tinanggap ko naman iyon.

Sabay lang kaming naglakad papunta sa room.

"Nandiyan na ang love birds," sabi ng isa naming classmate.

Napangiti lang ako sa sinabi nila at hindi ko sila sinagot. Hanggang sa naupo na ako sa upuan ko.

Konti palang kami hanggang sa padami na ng padami ang mga paparating na classmates namin. Walang dumating na teacher namin gaya ng inaasahan namin dahil graduation na nga namin bukas.

Sabay rin kaming lumabas sa room ni Kris pero may nararamdaman akong kanina pang lunch nakatingin sa 'min pero hindi ko nalang yun inintindi.

"Bye Francess," sabi ni Kris nang pasakay na siya sa kotse niya at pinaharurot na nga ito ng driver niya agad.

At nang makalayo na ang kotse ay dun lang ako nagsimulang maglakad pero 'di ko inaasahang may titigil na kotse rin sa harap ko.

"Boyfriend mo siya pero hindi ka niya hinahatid?" Dahan-dahan niyang binaba ang bintana ng kotse niya sa likod ng driver at bumungad si Rence. Yung nakausap ko sa tambayan ko dati ha? Hindi yung kachat ko ah. Bakit ba kasi sila parehas ng pangalan.

"Hindi pa kami," sagot ko at nagsimula na ulit maglakad pero sinusundan lang ako ng kotse.

"So nanliligaw palang siya? Hindi ganyan ang nanliligaw," sabi niya muli.

"Pwede ba stop following me?" sabi ko.

"Medyo matagal-tagal na rin tayong hindi nagkakausap ah," sabi muli niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang muli ako sa paglalakad ko.

"Naging busy ba kayo ng manliligaw mo?" Napahalukipkip na lang ako at tumigil sa harapan niya.

"Ano bang problema mo ha?" tanong ko sa kanya.

"Sakay ka na," sabi niya at pinagbuksan na ako ng pinto pero nanatili ako rito nang hindi nagsasalita.

"Francess, sakay ka na, graduation pa naman na, mahirap na," sabi muli niya.

Aba mahirap kaya akong suyuin. Kami nga ni Dani hindi pa rin okay eh dahil mataas ang pride ko at mahirap talaga akong suyuin kahit anong gawin mo.

"Ayaw mo talagang sumakay?"

"Ayaw- ano ba!" Hindi na ako nakapagprotesta pa dahil binuhat na niya ako papasok sa kotse niya.

I met him in RPW (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon