"Kamusta na nga pala kayo? Ikaw nakagraduate ka na Hazel?" tanong ko sakanila.


"Ayon di pa, nagaaral pa rin. Lupet 'no? Next year pa ko gagraduate." sabi nito.



10 years pala kailangan para magdoctor buti hindi ko naisipan. Nakakabilib din itong si Hazel, dahil sa kagustuhan niyang maging doktor ay nagpupurisigi talaga siya kahit mahirap. Naikwento rin nila na si Olivia ay isa nang manager sa bangko at si Maddie naman ay CEO na. I'm so proud.


"Kayo ba? Ang bibigtime na ah." sabi ko naman kanila Olivia, natawa naman sila.



"Pahumble mo naman, sikat na architect ka na kaya sa U.S nasearch kita sa google nung nakaraan eh!!" sabi ni Maddie sa akin.


"Sana all may trabaho na." nakasimangot na sabat ni Hazel. Inasar at ininggit pa namin siya lalo kaya't mas lalong sumimangot.


Natuwa naman ako dahil sinulit namin ang buong Sunday na magkakasama. Nagorder sila nang nagorder at nanood kami nang nanood ng tv. Namiss ko 'to!


-----



Kinabukasan ay gumayak na ako para sa meeting at dumiretso sa Gomez Company Inc. I am wearing a white blouse and tucked it with Forever 21's Linen-Blend Cropped Wide-Leg Pants. Kinulot ko nalang ang buhok ko at naglagay ng cheek and lip tint. Kinuha ko ang black gucci bag ko at napagdesisyunan nang lumabas.


May meeting kasi lahat ng mga nakaassign sa isasagawang first ever Gomez' Waterpark dito sa Pilipinas kaya't kailangan kong magayos nakakahiya naman baka mga bigtime nandoon?


At simula nang pununta ako sa U.S. ay naging maporma na ako kaya't it's no big deal na rin. Bago sumakay ng kotse ko ay napatigil muna ako at ngumiti. This is the first time that I will drive here in the Philippines after the accident. Pagkasakay ay nagsign of the cross muna ako bago paandarin ang kotse.


Pagkarating ko sa may loob ng building ay inasakiso ako ng mga tao rito.  Pumasok naman kami sa elevator, nakita kong may pinindot ito bago sumara ang elevator ngunit bago ito sumara ay nakita kong may kamay na humarang dito.


Napaangat ang tingin ko nang magbukas ang elevator. Nanlalaki ang mata at napalunok akong napatingin sa lalaking nagharang ng kamay.




It's Ethan.







Napatingin ito sa akin bago pumasok sa elevator. Pinilit kong kumalma habang nasa elevator. Nakita kong wala naman itong reaksyon kaya medyo nawala ang kaba ko, for sure 'di ako nakilala nito.



Napansin kong magkatabing magkatabi lang kami at amoy na amoy ko ang pabango niya. Gosh, I missed him.



Pagkabukas ng elevator ay agad agad akong lumabas at lumiko sa may kanan dahil sa kaba at bilis ng tibok ng puso 'ko.




"Architect Labejo, di po riyan ang daan." sabi nung nagtatrabaho rito sa building. Napatingin naman ako sakaniya at nahihiyang ngumiti.




"Sorry, wrong way." sabi ko nalang at taas noo na naglakad papunta sa loob ng meeting room.



Nakaramdam naman agad ako ng inis nang makitang sa harap ko pa pumwesto si Ethan. So he's the engineer of this project!! Gosh.


Umalis na ang nag guide sa amin at natira kaming dalawa rito ni Ethan. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa cellphone. This is awkward for me.


Pasimple akong sumulyap kay Ethan at nakitang naka black button down polo siya at nakabukas ang tatlong butones kaya't kita ang dibdib nito. After 5 years, he looked matured and more handsome.


Iniwas ko nalang ang tingin at nagcellphone uli. Bakit ang tagal nila? Naalala kong maaga nga pala akong pumunta rito dahil nakakahiyang malate.


Nilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil hindi na talaga ako kumportable, napansin kong napatingin sa akin si Ethan.



"Are you alright?" tanong nito.


Nginitian ko lang siya. "Oo naman." sabi ko.


"So, you're the architect? I heard it earlier."


"Ah oo."




"By the way, I'm engineer Ethan Harrison Salves." pagpapakilala nito.




"I-i'm" sabi ko at napahinto. I don't want to say my name to him. Baka sumakit ang ulo niya at mahimatay dahil may amnesia siya tulad ng napapanood ko sa kdramas!!!



"You're?"




"Uhm, I'm.......not interested."


Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now