Subalit nakita ko kanina si Zarrick sa lupain ng mga ito, marahil ay ibang lalaki ang tinutukoy ni Bea? Sino kaya ang lalaking yon kung ganoon?

"Nagtext na sa akin si Anton, nasa may computer shop na raw siya doon at kailangan nating magmadali kasi marami na raw ang umookupa sa ibang bakantang computer" singit bigla ni Joabbelle kaya naman nawala ang atensyon namin ni Bea sa pinag-uusapan.

"Mag-tricycle nalang kaya tayo? Mas maganda kung tuloy tuloy na ang byahe isa pa ay hinintayin pa nilang mapuno ang jeep bago sila umalis" tinuro ni Bea ang paradahan ng sa tricycle, mas marami rin ang pinipiling sakyan ang mga ito dahil na rin sa init ng panahon.

Binilang ko ang hawak kong pera, kakasya naman siguro ito hanggang sa pag-uwi. Sina Anton naman raw ang bahala sa kakainin ko at nakapagbigay na rin ako ng gagastusin para sa project namin ngayon.

"Sige, para mabilisan na rin"

Nang makarating kami sa bayan ay agad naming pinuntahan si Anton na panay ang paypay sa sarili at pag-irap sa amin. "Bakit ba ang tagal niyo? Dalawa nalang ang makakaupo, yung dalawa magche-cheer nalang"

"Wala akong masyadong alam sa ganito kaya pwedeng si Bea nalang ang magtype, ako na ang bahala sa pag-iisip, para mabilisan na din" suhestiyon ko, baka kung ano pa kasi ang mapindot ko sa computer at magbayad pa ako dahil nasira ko.

"Sige, may balak din akong yayain kayo sa may lawa, doon gaganapin ang birthday ng pinsan ko na kanina lang ako niyaya. Hindi na sana ako pupunta pero naisipan ko nalang kayong isama" singit ni Joabbelle nang magsimula na kaming kumilos para sa group project namin.

Buti nalang at hinayaan kami ng teacher namin na mamili kung sino ang makakasama sa paggawa. Buti pa ang ganito ay wala ng ilangan sa bawat isa.

"Sige ba! Maligo tayo, ha"

"Wala akong dalang damit" singit ko.

"Naku, edi uuwi tayo ng basa. Hindi naman kalayuan mula sa lawa ang mga bahay natin, pwera lang kay Anton"

"Maliligo ka, Erriah. Sige na, para naman ma-enjoy natin ang oras natin sa high school"

Napatango na lamang ako.


KUMAIN MUNA KAMI SA Parke bago nagpasya na tumungo na sa sinasabi nilang lawa. May mga kubo sa tabi ng lawa na pinagtatambayan din ng katulad naming kabataan pa. May mga nagkakasiyahan din at nagtatampisaw na, hindi alintana ang mainit na sikat ng araw.

Si Joabbelle ay agad na nilapitan ang pinsan na naroon kasama rin ang mangilan-ngilan na kasing edaran namin. Agad kaming hinila para kumain.

"Happy birthday" halos sabay sabay naming bating tatlo, medyo nahihiya.

"Huwag kayong mahiya, kain na. Umuwi pa ang nanay niyan mula Maynila para lang i-celebrate ang birthday ng pinsan ko" imporma niya. "Pagkatapos kumain ay pahinga lang tayo pagkatapos ay maliligo na tayo"

Binigyan niya pa kami ng tig-iisang plato at sinenyasan na magsandok na. Walang hiya namang naging leader si Anton sa pagkuha ng pagkain.

Nang matapos ngang kumain ay nagtatakbo sila sa lawa kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila.

"Wala ka bang suot na sando?" Tanong sa akin ni Bea na hinuhubad na ang asul na Tshirt.

"Mayroon ako, ang kaso ay manipis lang yun at alam kong lilitaw ang panloob ko" nakangiwi kong sabi.

"Ano ka ba. Kaya nga dito tayo pumwesto ay para malayo sa mga iba. Sige na, magsando ka nalang para mamaya ay hindi ka gaanong basa"

Napalibot muna ang tingin ko sa paligid, siguro ay maaari ko naman gawin ang suhestiyon niya pero hindi ako sigurado kung wala bang pupuntang ibang tao dito sa pwesto namin lalo na at maraming tao ngayon sa lawa.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now