Love, Raphael

15 0 0
                                    

Dear Samantha,

Hi Samsam ko! Since the first time you wrote on my notebook, I knew it was you. Sino bang hindi makakakilala ng penmanship mo? I always felt the kilig whenever I'm receiving messages from you. Ang cute cute mo sa tuwing nag-aaalala ka na baka mahuli kitang nagsusulat.

Tumagal ang usapan natin hanggang sa nagkaalaman na talaga na ikaw yung kausap ko at naging tayo. Our relationship isn't perfect. Marami na tayong napagdaanan. Mostly are happy memories but we also had fights na akala ko hindi na natin maaayos at break up nalang ang magiging solusyon. But I thank God I have the most understanding and loving girlfriend. You are such a blessing to me.

Pero may isang bagay na pinagsisisihan kong nagawa ko. That's when I broke up with you. Hindi ko alam kung paano ba o ano ba ang dapat kong gawin sa kasalanan kong iyon. I know you will get hurt big time. Hindi ko na naisip na mas masasaktan ka nga pala pag nakipaghiwalay ako sayo ng ganon nalang. So I told myself na kailangan may mapatunayan muna ako sayo bago kita balikan. Nag-aral akong mabuti, pipilitin kong makagraduate on time sa pre-med course ko para kahit papano ay may natupad na ako para sa sarili ko at masasabi kong konti nalang, pwede na kitang balikan.

Pinilit kong wag kumuha ng balita tungkol sayo, pero walang hiya talaga ang mga kaibigan ko at lagi kang pinag-uusapan sa gc namin kaya ang ending alam ko pa rin ang nangyayari sa buhay mo but I acted so cold. Kunwari wala na akong pakialam sayo. I don't know. Siguro kasi hindi mawala sa isipan kong hindi mo ko deserve. Hindi ako ang para sayo. Nasaktan kita ng sobra eh.

But I know in my heart that I have never fell out of love for you. Each day, my love for you keeps on growing even though we're apart. Maybe you're really the one for me, ehe. And if we're really meant to be, we'll find a way to get back to each other.

I love you so much, Samantha Oh.

'Til then, my love. I'll win you back.

Love,
Raphael

love, samantha | moonbinWhere stories live. Discover now