♡ 52

23 3 1
                                    

"hi, rap! sabay tayo maglunch, you want?"

"uh, kasama ko kasi tropa ko. kung gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"oh yeah, sure. that would be great! para naman makilala ko rin sila, since they are your friends."

"ah hahaha, oo nga. sige."

"el, bakit kasabay natin si ella?"

"kaibigan ko siya, hyung. wala namang masama dun diba?"

"okay, fine."

"thank you, hyung."

"hi guys! so kilala niyo naman siguro ako diba? i'm ella natividad, from section b. nice to meet you!"

"paul."

"christine here, and beside me is samantha. kilala mo naman siya diba? you're classmates eh. anyway, nice to meet you, girl!"

"hi! yes, we're almost seatmates na nga eh. sayang hindi pa kami ang nagkatabi para naman makausap ko siya. so we're friends now, right?"

"oo naman, ella. ang kaibigan ko ay kaibigan mo na rin."

"hehe pero nagkakausap naman tayo ah?"

"yeah, but not about raphael."

"ah."


AWKWARD. Gusto ko ng lumayas dito. Hindi ko talaga gusto ang aura nitong si Ella pag wala sa room. Akala mo kung sinong santa-santina pag kasama niya si Raprap ko!!! Akin lang si Raphael!!! Ginigigil niya ko eh, bwiset!?


"sam, what the fuck? ano na bang meron sa kanila?" bulong ni tin sakin.

"hindi ko rin alam. maybe may something na?"

"no, hindi ako papayag na lumubog ang ship namin ng dakz! sarap lang dapat!"

"aba at alam mo rin pala 'yang sarap na yan ah."

"yup, sinabi sakin ni james. si rein daw nagsabi nun sa gc nila. hahaha! isn't that great? sarap couple hahaha cute ng name niyo ah! masarap ba? ha?"

"cut it out, tin. wag na nga tayong magbulungan, baka isipin pa nilang sila pinag-uusapan natin."

"who cares? if she's a bitch, i'm the bitchest."

"di talaga papatalo. oo na."

"so, ella, ano bang meron sa inyo ni raphael?"

"oh yeah, uhm. friends? getting to know each other. right, raffy?"

WOW. New nickname, eh?

"raffy? diba rap tawag mo sakin?"

"ah-eh b-bawal na bang tawagin ka sa iba pang pangalan? gusto ko ako lang tatawag sayo ng raffy."

"ang demanding ng puta." rinig kong bulong ni paul.

"guys, wait lang ah. alis muna kami ni paul, pupunta nga pala kaming faculty." pinanlakihan ko ng mata si paul at tin, at alam ko namang nagets agad nila ako.

"ah sige, alis muna rin ako."

umalis na kami ni paul, at si tin naman ay humiwalay na rin.

"anong meron, sam?"

hoy, paul. akala ko ba..."

"nako, sam. alam ko ugali niyang si ella. niloko ko lang naman si rap noon diyan eh. di ko alam na magiging seryoso pala siya dun."

"hayaan mo na, gusto ni raphael e. we can't control his feelings."

"kahit na, sam. ayokong masaktan si rap dahil ng babaeng yan. mas gusto ko pa ngang ikaw e."

"h-huy, bakit naman ako? hahaha"

"akala mo ba hindi ko alam?"

"alin?"

"ikaw ang kausap ni rap sa notebook niya. alam ko ang handwriting mo, sam. di mo ako maloloko."

"mm, ano pa nga ba? oo, ako yun."

"bakit hindi mo aminin na ikaw yun at hindi talaga si ella?"

"para saan pa? masaya na siya oh."

"kung alam mo lang, sam."

"ang alin?"

"wala wala. tara nalang sa room."

"hays. sige."

love, samantha | moonbinWhere stories live. Discover now