"Dito na lang po, manong. Eto po ang pamasahe namin." at inabot niya na 'yong bayad namin.

"Salamat po." sabi naman ni manong.

"Let's go." at hinatak na ako ni Eula.

In fairness ha, maganda 'tong University na 'to. It's wide! At sikat rin ito because it offers high quality of education. Malaki rin ang opportunity mo kapag dito ka nakapag-gradudate.

Mabuti na lang kaklase ko si Eula at hindi ako mahihirapang mag adjust.

"Tara bilis, tumakbo na lang tayo! It's already 7:43, and we are so late!" at tumakbo na nga si Eula.

Tsk. Ba't parang takot na takot talaga siyang malate. Ako nga nung highschool sa 7:43 bagong gising pa lang ako niyan eh.

"Vera, dalian muna diyan!" sigaw nito sa akin. Tsk. I don't have a choice kundi maglakad na rin ng mabilis at sinundan siya.

Ilang building pa ang dinaanan namin bago makarating sa building namin.

"Tara sa second floor pa ang room natin." at umakyat na kaming dalawa ng hagdan.

"Bilisan mo, Vera!" sigaw niya.

"Oo na, eto na nga eh." at hinabol na siya.

Nang makarating na kami sa second floor ay hiningal pa si Eula. At hinawakan ang kamay ko.

"Follow me, Room 2 tayo." at hinatak niya na ako.

Naglakad na kami para maka-abot na sa room namin. At nang makarating kami dun ay nakita kong nagsisimula na nga ang klase namin.

Agad namang pumasok si Eula sa classroom namin. "Good morning ma'am." bati ni Eula sa teacher namin.

Tinaasan naman siya ng kilay nito.

"Bakit kayo late?" kaya napatingin na sa amin ang mga kaklase namin.

"Ah, kasi ma'am..." parang kinakabahan pa nga si Eula. "She's Veranice, at transferee po siya, and a classmate in this section. Hinintay ko pa po kasi siya ma'am, baka po kasi maligaw siya dito, since it is her first day." explain ni Eula.

Mas lalo lang tumaas ang kilay ng prof namin. "I don't care if she's a transferee, my point here is bakit kayo late?" at nararamdaman ko na talaga na marami nang mga mata ang nakatingin sa amin ngayon and it is uncomfy.

Tinignan naman ako ni Eula, 'yan ang tingin na mapapagalitan na naman ako mamaya sa bahay.

Damn.

Hindi ko naman gustong madamay siya dito "Ms. Eula Maquiran is innocent here ma'am, na late lang po siya kasi hinintay niya pa po ako, because I woke up late." sabi ko sa kanya at nginitian ko ito ng pilit.

Nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha ng teacher namin.

"And Ms. Maquiran is only concerned about me, ma'am." sabi ko sa prof namin.

She sighed. "Alright... If that's the case, Ms. Eula you can take your seat now.'' utos nito kay Eula. ''Except for you." turo nito sa akin. Kaya napatingin naman si Eula sa akin.

I just nodded at her, telling that she can take her seat now. Kaya umalis na ito para umupo na sa upuan niya.

"What's your name again?'' she asked me.

Lumapit naman ito sa akin ngayon. ''It's Veranice, ma'am." sagot ko.

"You know what, Ms. Veranice. One thing I hate in this class is, those people who are interrupting my class. And today you did it." sabi nito sa akin. It's my first day at ito na agad ang nakuha ko.

Napayuko naman ako. "I'm sorry ma'am."

"I am giving you a warning. If you will act like this, I will fail you in my subject. So, you should learn to be responsible. You're already in college, hindi kana highschool pa. Be responsible enough."

"I'm really sorry, ma'am. "

She sighed. "Alright." at bumalik na ito ulit sa gitna. "Before you can take your seat, introduce yourself to us first." utos niya.

Tsk.

Akala ko ba nakaligtas na ako sa mga first day of school problems pero hindi pa rin pala. Kaya pumunta na lang ako sa gitna para magpakilala.

I sighed before I speak. "Hi, everyone. I'm Veranice Maquiran." I introduced myself politely.

"Introduce yourself more." sabi ng teacher namin.

Damn. Kailangan pa ba talaga 'to.

Nginitian ko na lang si ma'am.  "Hindi naman po kasi masyadong interesting 'yong life ko ma'am, maybe it's better if you'll just continue your discussion, right?" I heard some laughs at the back. And someone chuckled in front of me. Kaya tinignan ko naman ito.

Pero nung nagtagpo ang tingin namin ay parang bigla lang akong natakot sa tingin niya. He is intimidating kaya I decided to look away.

Tsk. What's his problem. He's sitting with a guy next to him at may babae itong kasama sa row nila.

"I can see that you have some attitude, Ms. Maquiran." sabi ni Ma'am.

I shake my head. "Ay, wala po ma'am. Gusto ko lang po talaga na mag start na po kayong mag discuss kasi makikinig na po ako kaagad ako sa inyo." palusot ko.

"Fine, sit down, now." sabi niya kaya naman dali-dali akong pumunta sa pinsan ko. May kasama siyang dalawang babae doon at isang lalaki sa table nila.

"Dito ka." sabi ni Eula. Kaya pinapagitnaan ako ngayon ni Eula at nong lalaki ngayon.

Agad ako nitong hinampas sa braso. "Ano ka ba naman, Vera, diba sabi ko sayo wag na wag kang gagawa ng kalokohan." and she's already stressed about me.

"Tsk, at least I tried." and I just shrug.

Napatawa naman ang katabi ko. "Lakas naman nf pinsan mo Eula ha." sabi nitong lalaking katabi ko.

"Oo nga, Eula. Pakilala mo naman kami." sabi nung babaeng mukhang brainy. Naka glasses eh.

"Siya nga pala guys, this is my cousin. She's Veranice." pagpapakilala ni Eula sa akin.

"Hi Vera, I'm Shia." sabi ng katabi ni brainy.

"Ako naman si Famcy." so Famcy pala pangalan ni brainy.

"And I'm Kiel." sabi ng lalaking katabi ko ngayon.

"Nice to meet you everyone, I'm Veranice." at nakipagkamay ako sa kanilang lahat.

I am hoping na maging kaibigan ko rin sila.



A/N: Let's support Vera and Jethro's story guys.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon