Pagkatapos ng araw na yun ay hindi na ako lumapit pa kay ate Shel. Naitago ko ang kagagawan ni Zarrick sa tulong din ng babae. Labag man sa kaniyang kalooban ay alam kong napamahal na si Ate Harrietta sa kaniya at ayaw niyang malaman nito kung ano mang namamagitan sa aming tatlo nila Zarrick.

Hindi ko na rin nakita si Zarrick mula noon. Gulong gulo parin ako sa nangyayari, ang matiwasay kong isipan noon na tanging pagkanta at halaman lang ang nais ay bigla na lamang nagulo ng makilala ko siya.

"Zarrick" naibulalas ko.

Alam kong narinig ako ni Bea kaya naman napatingin siya sa akin pero wala akong pansin doon. Masyadong maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Siya naman lagi ang nasa utak ko, bakit ba nasa kaniya nanaman ang atensyon ko?

Malapit na ang exam at kailangan kong doon mag-focus.

"You know, bakit hindi mo nalang sabihin kay Shel na mahal mo na rin si Zarrick"

Nanumbalik ang atensyon ko sa kasalukuyan ng magsalita si Bea. Tinitigan ko siya, kita ko kung paano niya ibinaba ang kaniyang hawak na cellphone at naging seryoso.

"Alam ko. Aware ako, Erriah, at bestfriend ka namin. Alam mo bang may Shel din sa buhay ko na daig pa ang mangkukulam?"

"Paano mo.."

"Alam ko. Anton is a kiss and tell kind of guy, huwag ka kasi masyadong maingay doon, pero sa amin lang naman niya naikuwento. At kahit hindi niya sabihin, alam ko. Pansin ko, Erriah. Alam kong nasabihan kita tungkol sa relasyon niyo ni Zarrick, pero hindi ako nalalayo. Masyado akong guilty nang araw na yon. Hindi ko alam kung ikaw ba ang pilit na sinasabihan ko o ang sarili ko talaga" napahinto siya sandali. "May mahal din akong lalaki pero may isang tao na pilit na hinahadlangan yon. Alam mo ba, kahit na alam kong niloloko lang ako at ginagamit ay wala sa akin 'yon kasi handa akong magpagamit at magpaloko mapansin niya lang at makasama lang siya. Noong una, naguguluhan din ako, noong una kahit na mahirap kung anong paniniwalaan ko, nakaya ko at alam kong kakayanin ko. Walang masama sa pagsugal kahit alam mong sa huli talo ka, atleast you've experienced that kind of happiness with him, kasi kapag hindi mo ginawa mabubuhay ka sa maraming what ifs, na paano kung sumugal ka, paano kung binigyan mo ng chance? Paano kung may chance pala? Maraming 'paano kung', kaya isa lang ang hindi ko pagsisihan, sinubukan kong lumaban" ngumiti siya sa akin.

Tahimik lang ako nang sandaling 'yon. Kahit na alam ko, alam ko sa sarili ko na iisa kami ng nasa isipan ni Bea.







PAUWI NA AKO NANG HAPON na 'yon nang makita ko ang magarang sasakyan ni Zarrick sa di kalayuan sa eskwelahan. Mangilan ngilan ang nakatingin doon at nakakunot noo. Marahil nagtataka kung bakit nandoon ang binata. Kilala ang pamilya nila kaya hindi na ako nagtaka na kahit ang sasakyan lang ng binata ay kilala ng mga ito.

Nang mapatapat ako sa kaniyang sasakyan ay otomatikong bumukas ang bintana noon.

"Hop in" masungit na utos niya.

Napairap ako sa hangin. Nagdadalawang isip sa umpisa pero sumakay din naman ako sa huli. Medyo nabigla pa ako nang lumapit siya sa akin at siya mismo ang nagkabit ng seatbelt sa aking katawan.

Hindi niya ba ako bibigyan ng time para mag isip muna, kakaabsorba palang ng utak ko sa sinabi ni Bea.

"We will go to the private island"

Hindi ako umimik. Para saan pa kung hi-hindi ako? Naging tapat na rin naman ako sa aking sarili tungkol sa nararamdaman ko para kay Zarrick. At alam kong kahit na humindi ako sa kaniya ay wala din akong magagawa. Gagawin niya kahit ano mang naisin niya.

"Celestine and Kane are there too. Sandali lang tayo doon dahil alam kong hahanapin ka ng ate mo"

Hindi ako umimik. Buti na lamang pala at maaga ang uwi namin ngayon.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now