Sekretong Pag-ibig para saiyo

40 4 0
                                    

Sabi nila mahirap daw ang sekretong relasiyon
Ngunit para sa akin ito ay magandang sitwasyon
Kahit na ang aking minamahal ay nasa ibang nation
Siya'y mananatiling nasa aking imahinasiyon

Minamahal kita ng patago
Malayo sa gulo at ng mundo,
Pati sa ingay ng mga mapang-husgang mga tao
Pagmamahalang ako lamang ang nakaka-alam nito

Sa aking isip, merong ikaw at ako
Ikaw ang prinsipe at ako naman ang prinsesa mo
Masayang naglalakad sa hardin ng palasyo
Puso ay ibibigay bilang regalo para saiyo

Kasiyahan ang dulot na ikaw ang dahilan,
Kalungkutan ang dulot na ikaw din ang dahilan
Hindi masabi sa iba ang saya't lungkot na nararamdaman
Mananatiling lihim sa sarili magpakailanman

Oo masarap din mag-mahal ng patago
Ngunit hindi sa lahat ng oras ay nina-nais ko ito
Sapagkat nais ng puso na kumawala sa malaking harang na ito
At ipag-sigawan sa mundo ang pag-ibig para saiyo

Patagong nagmamahal,
Patago ring nasasaktan
Ang hirap din ng ganito
Oh! Sinta, anong gagawin ko?

Ano ang aking gagawin?
Kung ang iyong tingin ay wala sa akin?
Hindi ko maiwasang mangamba
Dahil anumang oras ay maka-kahanap ka rin ng iba

Ngunit ano nga ba ako saiyo?
Ako'y isang babaeng nagma-mahal saiyo ng patago
Sana'y malaman mo ito
Sana ako lamang ang nagi-isa sa puso mo

Mahal ko alam mo bang nasasaktan ako?
Satuwing itina-tanggi mong hindi mo ako gusto?
Alam kong may limitasyon ako
Ngunit nadudurog na ako

Bakit hindi magawang mapuna ito?
At gamutin ang nag-durugong puso?
Sigurado ngang hindi ako ang gusto mo
Sino ba ang magkaka-gusto sa isang tulad ko?

Gustong sumigaw ng aking puso
Na ako'y nasasaktan ng dahil saiyo
Ngunit magmu-mukhang tanga lang ako
Dahil wala ka namang alam sa nararamdaman ko para saiyo

Mahal hanggang dito nalang yata ito
Hanggang sulyap na lamang ako saiyo
Tinatanaw kita mula sa malayo
Kasama mo siya't masayang-masaya kayo

Hindi na ipipilit sa isip na merong ikaw at ako
Marahil ako lamang ang nasasaktan ng labis dahil dito
Mahal kahit ako lamang ang lumalaban sa pag-ibig na ito
Mananatiling ikaw parin ang isinisigaw ng puso

Sekretong Pag-ibig para saiyo
by rainy_pretzel

A/N: Para to sa mga crush nating never tayong magiging gusto :>
#CrushBack

Poems and PoetryWhere stories live. Discover now