[TDS(1)] : ADLS 58

Start from the beginning
                                    

------

Kinuha ko sa side table yung mga picture namin kanina tas nilapag ko yon sa kama.
Ipopost ko sa facebook hehe!

Chillin' with my two bestfriends!

Ayan ang nilagay kong caption tas pinindot ko na yung Post.

Umuwi na si Aljin kanina pa.

*ting*

You have 2 new notifications.

Van Chan and 4 others commented on your post.

Lalaina Alithia Avenillia and 10 others reacted to your post.

Pinindot ko yung isang notification at lumabas dun ang comment ni Van at ng iba pa.

Van Chan: Squall Kyler Shin oh.

Hylem Gomez: Pahingi namang cake ate.

Light Smiley Velasco: Hoy asan yung manok ko! Squall Kyler Shin galaw galaw naman. Ps. Ang panget ni Lala.

Quest Montralejo: Aljin Fier Sanderson uwi ka na baby hindi na ko galit >3<.

Hiroshi Xanders: Shet kilig ako! 🐔ko yan ate!

Natawa nalang ako sa mga comments nila tas pinatay ko na yung phone ko para matulog.

"Goodnight fshie!"sabi ko kay fshie na nag cecellphone pa ngayon at ngiting ngiti

Nag hintay ako ng ilang minuto sa sagot niya kaso hindi nasagot.

Busy.

"Sino namang kausap mo ha?"sabi ko sabay agaw ng phone niya pero naagaw niya sakin yon pabalik

"Wala fshie! Matulog ka na diyan HAHAHAH! Goodnight!"sabi niya tas hinampas pa ko

Kinikilig.

------

"Fshieee gising na! Tanghali naaa late na tayo sa EK! Nandiyan na sila sa labas!"bulyaw ni Ali dahilan para magising ako

"Ha?! Anong oras na?"tanong ko

"4:00 am HAHAHAHAHA!"

Binato ko siya ng unan bago ako bumangon. Akala ko naman tanghali na talaga!

"Sorry na fshie! Alam kong hindi ka babangon eh pag sinabi kong 4 palang!"sigaw niya dahil nasa banyo na ko

"Oo nalang fshie!"sigaw ko pabalik

-----

"Nasan pala si Squall kahapon fshie? Bakit si Aljin na ang kasama mo pabalik?"pang uusisa ni Ali

Kahapon niya pa ko tinatanong niyan kaso hindi ko siya sinasagot.

Napabuntong hininga ako bago mag salita.

"Sinamahan si Erzaniah bumili ng beauty products."sabi ko at sinubo na yung huling kutsara ng pagkain ko

"Ha?! Si Erzaniah sinamahan niya?! Hindi ikaw?!"

*Ding dong*

"Nandyan na sila fshie."sabi ko at tumayo na

Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Dasha at Light.

"Tara na!"sigaw ni Light na umalingawngaw sa buong hallway

"Bunganga mo Liwanag! Mahiya ka sa mga kapitbahay ko!"saway ni Ali

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now