[TDS(1)] : ADLS 50

Start from the beginning
                                    

Ang gulo nito ni Edward kj eh! Sabi niya hindi kanya, tas ngayon naman kanya! Ano ba talaga?

Napailing nalang ako tas niyaya siyang pumasok.

"Pasok ka muna. Ano bang ginagawa mo dito?"tanong ko

"Inutusan ako ng mama at papa mo na bumili ng ingredients sa pag gagagawin mo."sabi niya sabay abot sakin nung dalawang paper bag

Kailan pa siya nakilala nila mama at papa?

"Kilala ka pala nila mama?"takang tanong ko

"Wag ka na nga puro tanong! Ge una na ko! Dami mong tanong eh!"sabi niya sabay pasok sa kotse

May nakita pa nga kong lalaki eh sa driver's seat, kaso naka salamin tsaka mask. Ano yun artista? Matanong nga si Edward bukas kung may driver siyang artista.

Hahahaha!

Sinarado ko na ulit yung gate tas pumasok na ko sa bahay. It's baking time!

Alam niyo kasi. Mahilig talaga akong mag bake! Ang saya kaya! Hehehehe!

Naalala ko tuloy dati. Nung nag bake kami nila Ali dito sa bahay nag punasan pa kami ni Squall ng icing---

Bakit ko ba siya naaalala lagi! Kainis naman!

Pinukpok pukpok ko yung ulo ko gamit yung kamay ko tas umiling iling.

Mukha akong sira.

Ang lungkot pala mag isa.

Yung triplets kasi nandun din kila Hiro. Sinama nila ate Zachae. Bakit kaya inutusan pa ni mama at papa si Edward? Akala ko sila ang bibili eh, tsaka ngayon ko lang nalaman na kakilala pala nila mama at papa si Edward.

Ay bonak ko! Friend nga pala siya ni kuya Zach! Bakit ngayon ko lang naalala yun?

Pero bakit kaya nung nakaraang araw. Sila Squall at Quade yung kasama niya?

Sabagay mag kapatid nga pala sila Quade at kuya Quest. Malamang close rin ni Quade si Edward kasi friend yun ni kuya Quest.

Ah basta! Nawiwindang ako!

Nagulat ako nung may biglang dumila sa paa ko.

"*arf arf*"

Hindi naman pala ko totally mag isa! Nandito nga pala si Quirtle! Hihihi!

Nag lakad muna ako papuntang kusina habang nakasunod siya sakin.

Nilapag ko muna sa table yung dalawang paper bag tas kumuha ako sa cabinet ng food ni Quirtle.

"Gutom ka na ba Quirtle?"tanong ko sabay luhod tas sinalinan ng dog food yung lalagyan ng food ni Quirtle

Napaka cute talaga ng aso kong to.

Pinat ko muna yung ulo niya bago ako tumayo at mag simulang mag bake.

-----END OF FLASHBACK-----

"Let's welcome! Our debutant! Heartnelle Zerin Santori! Together with her family!"sabi ni Twinnie na nasa stage ngayon

Hindi ko ineexpect na mag eemcee sila ni Sky ngayong birthday ko! Ang sweet lang!

Nga pala! Ang angas ng pag kakaayos dito sa bahay nila Hiro! Hindi ko ineexpect na ganito pala kabongga!

Sa harap ng parang enggrandeng staircase nila. May mini stage, tapos may harang yun ngayon. Pero unti unti nang nag bubukas!

Ang angas! Pano kaya nila to nagawa?

Nababa na ako sa sa hagdan katabi ko si mama at papa tas nasa likod naman namin sila kuya, ate at Rairai.

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now