[TDS(1)] : ADLS 48

Start from the beginning
                                    

Inirapan naman siya ni ate.

------

"Huy! Mga picture natin oh!"sabi ni Rai tas nag tatakbo papunta sa poster niya.

Wow susyal may sariling poster. Nakalagay pa talaga dito sa garden.

Napatingin ako sa paligid ko.

Hala! Ang dami pala!

Teka! Nandito rin kaya yung picture namin?!

Nag photoshoot kasi kaming mag kakagrupo sa performance.

Pero hindi ko naman alam na gagawin pala nilang poster!

"Omg! Ako yun ah!"sabi ni Light tas nag tatakbo papunta sa Poster na mukha niya yung nakalagay

Isa isa silang nag silapitan sa mga poster nila.

Naiwan ako nakatayo mag isa dito nakatayo.

"Ay putek!"gulat na sabi ko pagkalingon ko sa gilid ko

"I'm not putek."

"Ano bang ginagawa mo diyan Squirrel? Ginulat mo ko!"reklamo ko

"Aren't you going to look at your poster? It's there."sabi niya sabay turo sa isang poster na nasa tabi ng kay Ali

"Hindi! Ang panget ko dun!"sabi ko

"Ha ano yon?"tanong ko kasi may binulong siya hindi ko narinig

Hmp!

"Nothing. Let's go see mine."sabi niya tas hinila ako

"Woah woah woah! May pahawak epek sa wrist si Squall! Yan gusto ko sayo pre! Hindi ka na talaga torpe!"-Van

Pinagsasabi nito?

Binitawan naman ni Squirrel yung wrist ko tas tinignan niya yung poster niya.

Bakit niya ba ko hinila dito? Tsh!

"Alam mo kasi Heartnelle medyo torpe yan si Squall, intindihin mo nalang. Nagegets mo naman siguro pinaparating niya sayo noh?"bulong sakin ni Van

Ano daw?

"Ha? Ano?"takang tanong ko

"Alam mo kasi Van, manhid yan si Heartnelle eh. Hindi mo ba pansin? Kaya nga bagay sila eh. Manhid+Torpe=Perfect Combination."sabi ni Brince

Loko loko!

"Ewan ko sa inyo!"sabi ko tas nilayasan sila dun

Lumapit ako kay Ali tas tinignan ko narin yung poster ko.

Ang panget ko huhu.

"Fshie! Ang ganda mo jan oh! Ang ganda ng kuha ni ate Mhiexie noh?"sabi ni Ali

Si ate Mhiexie kasi nag picture samin niyan.

"Saan maganda jan fshie? Huhu!"

"Nega ka talaga! Hay nako! Tara nalang sa photobooth!"sabi ni Ali tas hinila ako papunta sa photobooth

"Guys tara! Ang lawak ng photobooth oh! Picture tayong lahat!"sabi ni Light tas umuna nang pumasok sa photobooth

Buti wala nang masyadong estudyante.

Kami kami nga lang eh.

"Ang gwapo ko talaga dun! Idagdag mo pa yung aso ko!"-Hwayne

"Mas gwapo pa yung aso kaysa sayo Hwayne."sabi ni Dasha tas nag dirediretso na papunta sa photobooth

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now