[TDS(1)] : ADLS 45 - Acquaintance

Start from the beginning
                                    

"Hello Swirll! Mag tatanong lang sana ako. Ayaw kasi ako sagutin ni Rai eh kainis."

(Ano po yun ate?)

"Sino sino bang hero sa ml?"

(AH! Pipili ka na po ba ng gagayahin mo para sa acquaintance? Ate si Guinevere nalang gayahin mo! Maganda yun! Bagay sayo!)

"Guinevere?"

(Oo ate! Yung normal skin lang niya ang gayahin mo! Yung Violet! Bagay yun sayo! Wait let me send it sa messenger! I'll hang up na po! Bye!)

"Sig---"

Naputol na yung linya.

Minsan mana rin siya sa kuya niya eh HAHAHAHA!

*Ting!*

'Swirll Kylel sent a photo'

Inopen ko yung message ni Swirll. Wow! Ang ganda nung Guinevere! Eto nalang nga siguro ang gagayahin ko!

"Ano ate? May gagayahin ka na?"biglang sulpot ni Rai

"Oo! Lumayas ka dito Rairai nabibwisit ako sayo!"

"Sino gagayahin mo? Si Guinevere ba?"tanong niya ulit

"Oo! Si Swirll ang nag suggest sakin! Lumayas ka na dito! Hindi ko na kailangan ng tulong mo!"sabi ko

"Teka! Sino daw gagayahin ni Swirrel?"

Tinignan ko naman siya ng mapang asar na tingin.

"Ano? Nag tatanong lang eh! Issue!"sabi niya tas pabagsak na sinara yung pinto

Kita mo to may pagka bastos rin eh!

---END OF FLASHBACK---

"Ate Heart! Is this fine? Waah! Hindi bagay sakin ang panget ko!"sabi ni Swirll pagkalabas na pagkalabas niya

"Hindi ah! Bagay sayo Swirll ang cute mo nga eh!"sabi ko

"You're pretty baby Swirll. Upo ka na muna diyan ikaw ang isusunod ko kay ate Ali mo."sabi ni Tita Bella

Si Ali na minemake upan niya ngayon.

"Ate! Ang ganda mo! Sabi ko sayo eh bagay sayo yang Guinevere!"sabi ni Swirll tas hinawakan yung wig na suot ko

"Thank You! Ikaw rin! Swirll masyado bang halata na wig?"tanong ko

"Hindi po ate! Ang gaganda rin ng wig nila auntie Bella noh? Mukhang totoo!"-Swirll

"Oo nga noh?"sabi ko pag katingin sa salamin

Ang ganda nga mukhang totoo kong buhok yung wig! Hahaha ang galing!

---Few Minutes Later---

Tapos na kami make upan ni tita. Nasa kotse na kami nila Ali at papunta na sa school.

"Wooh! Fshie! Okay lang ba yung mukha ko? Ha? O baka may dumi?"sabi ni Ali

"Fshie chill ka lang! Oo maganda ka parin!"sabi ko

"Yiee kinikilig naman ako fshie hihihi! Ang ganda ko noh? Ang ganda ko?"sabi niya

Tumango tango nalang ako habang natawa.

Baliw talaga to.

"Ako po mga ate? Okay lang po ba? Panget po ba ko? Bagay po ba sakin yung wig? O hindi?"sabi ni Swirll

"Hahaha! Oo Swirll bagay na bagay sayo! Partner pa talaga kayo ni Local ah! Kayo ha!"nang aasar na sabi ni Ali

"Po? Papansin po kasi siya! Bakit nag Alucard pa siya! Kainis!"sabi ni Swirll at bumusangot yung mukha

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now